Balansi ng Pag-ibig: A Filipino Poetry (Freeverse)

in poetry •  7 years ago 

images (30).jpg

"Balansi ng Pag-ibig"

Mahal mo ko, mahal din kita ngunit tayoy magkaiba,
Magkaiba tayo sa paningin ng iba,
At di daw tayo nakatakda sa isat-isa,
Ngunit di paawat ang pusong nagmamahal ng sobra,
Na kahit magalit sila at pigilan man nila, ikaw at ikaw parin ang minamahal ko sinta,
Kaya wag tayo padadala sa mga matang mapanghusga,
Na di daw tayo bagay sa isat-isa,
Dahil sa mata ng diyos lahat maganda,
Tao lang naman ang mapanghusga,
Sasabihin nilang langit ka at lupa ako,
Mayaman ka mahirap lang ako,
Sa lahat ng bagay magkasalungat tayo,
Pero lahat ng to aking napagtanto,
Nasabi ko sa sarili talagang bagay tayo,
Hindi isang bagay kundi itinadhana upang pag-isahin ating pagkatao,
Dahil sa mga panghuhusga ng ibang tao,
Sa huli nalaman ko, na lahat nang bagay ibinalansi dito sa mundo,
Gaya nang araw at gabi,
Gatas at kape,
Apoy at ang tubig,
Ako at ikaw na aking iniibig,
Kaya wag mo na isipin ang sinasabi ng iba,
Dahil tayoy binalansi para sa isat-isa

Walang perpektong relasyon sa umpisa, kundi na sa huli

Salamat po sa pagbasa, thank you for reading :)

Best regards,

@englybird

Upvote| Resteem| Follow

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!