PARA SA IYO ITO AMA (TULA#1)

in poetry •  7 years ago  (edited)

Ang aking amang haligi ng tahanan
Nagtatrabaho't nagkakayod ng lubusan
Ngunit ang pag-aaruga samin ay hindi kinakalimutan
Kaya kanyang pag pagmamahal nais naming suklian

Ang aming amang sa amin ay bumubuhay
Lagi nandyan at nakaagapay
Hindi malilimutan kanyang mga gabay
At hindi ipagpapalit sa kahit anong bagay

Ikaw ang unang lalaking aking nasilayan
At unang lalaking naging kaibigan
Unang lalaking minahal akong tunay
Pinahalagahan at inalagaan ng higit pa sa iyong buhay

Salamat sa regalong bigay ng Dios Ama
Isang mabuting ama't mapagmahal na asawa
Magandang lalaki ang panlabas na itsura
At mabuting budhi ang sa pus'y nakatala

Aking tulang sa iyo ay inalaan
Iyo sanang tanggapin at magustuhan
Mga mensaheng nais sabihin nawa'y maunawaan
Ito'y aking pinag-isipan at totoong pinaghirapan

Ang amang laging nandiriyan
Pag may problema'y aking nasasandalan
Kahit anong mangyari ay hindi kami iiwan
Isang pangakong kanyang binitawan

Ito ang oras na ako'y mangangako
Sa iyo ama na saksi ang mga tao
Mga taong babasa nitong aking soneto
N aking inilaan para lamang sa iyo

Aking ipinapangako sa aking sarili
Na poprotektahan at mamahalin ka oras-oras at lagi-lagi
Sa iyong pagtanda'y ako'y iyong laging katabi
Ang mag-aalaga sayo hangang sa mag-gabi

Buong puso ko itong ipagmamalaki
Na ikaw ang aking ama na siyang aking kahalili
Sa lahat ng bagay, at sa lahat ng sandali
mabuti kang ama kaya ito ay aking sinasabi

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!