"FAGLONG"two string guitar from BLAAN tribe

in poetry •  7 years ago 

sa masaganang kabukiran
tumitipa ang nilalang
kwerdas na pandalawahan
kanyang sinusubukan

Malamig na hangin siya ay sabayan
Sa tugtuging masarap pakinggan
Faglong mula pa sa tribo blaan
Pagpugay sa kultura at yaman

Sa kanyang sinisinta nasaan ka na nga ba
sabayan mo sya ng indak na puno ng saya
Habang buhay kayong mag-alay ng kanta
Sa inang kalikasan na nagbuklod sa inyong diwa

Sa bagong taon tila hudya't ng pagasa
Bawat tipa pagsulong ng pagkakaisa
Sa sining at musika ito ang magagawa
Paglapitin ang magkalayo pagisahin bawat kultura

26001083_1568923219861541_8103555468239385838_n.jpg
"fAGLONG" two string guitar from BLAAN tribe of southern cotabato
-makatang singkit
25445166_10154901030120755_1201996414_o.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Very nice and tallented

thanks a lot you need to visit here and hear the music of blaan tribe as well

Nice village

simple living

Everyone's got their own character, and that's the thing that's amazed me about guitar playing since the day I first picked it up.

Beautiful post

thanks brother, here in the philippines there's a lot of diff. native two string guitar which represent there towns or region as well as their culture and traditions

Upvoted and re-steemed. More of this please kuya.

Satibay!!!