Filipino Poetry # 1: Pakiusap

in poetry •  7 years ago  (edited)

2018-02-12 07.50.01 1.jpg

Himok ang sa iyo'y panambitan
Ako'y layuan at iwanang lubusan
Nang maghilom ang utak kong sugatan,
Sa pinagkaloob na kaligaligan.

Tama na ang ilang buwang kahapisan
Ang palawakin, ito'y 'wag nang subukan
Sapat na ang panahong tinatangisan
Sa inukol na sakit at kapighatian.

Kaya't muli kong himok ang iyong paglisan
Putulin ang tanikalang hilahil sa isipan
Ang paniniil ay wakasan nang tuluyan
At palitan ng kalayaang pinanabikan.

Nawa'y ako'y maunawaan at maintindihan
Ang hinaing kong ito'y iyong pagbigyan
Kung mababata ay labis na kaligayahan
Sa himok kong ito, O' aking Lesson Plan.

When the teacher is too tired in writing her Lesson Plan. 😂😂😂

@hopefrecy 💋

Feel free to write your comments and suggestions guys! Thanks

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!