"Babalikan"
Ang isang pamilyar na ngiti
Na para bang kahapon lang
Huling nasilayan at napagmasdan
Umiiyak na parang bata
At sa mukha ay halatang-halata
Na talagang nasaktan at nagsusumamo
Mula sa taong minsan ako'y pinagpalit mo
Pero sino ba naman ako
Para ika'y ipagtabuyan ko
Kahit naman ano ang naranasan sayo
Ikaw parin ang nasa pusong 'to
Alam kong isa na akong tanga
Noon pa naman talaga
At magiging tanga pa
Kung tatanggapin muli kita
Pero ano pa ba ang magagawa?
Kung ikaw na mismo ang nagmakaawa?
Upang ikaw ay saluhin
At ipadama na ikaw ay mahal pa rin.
Isa na lamang sana ang gugustuhin
Sana'y sa muling paglisan mo sa akin
Sa oras na ika'y may gustong iba
Ay sana 'wag nang bumalik pa
Hayaan na lang ako ay mapag-isa
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :
and Here are my English Poetries
Hanggang sa Muli
Photocredits : 1 2
very good your post
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
nice poetry
keep it on..best of luck...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
very interesting post, I like @jassennessaj
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit