"Bagahe" : An Original Filipino Poetry

in poetry •  6 years ago 

"Bagahe"


Photo source : Pixabay


Ako'y aalis na sa wakas
Aalis upang maglakbay bukas
Kung saan man tatahakin ang landas
Landas na puno ng along humahampas

Sa pag-alis dala-dala ang aking bagahe
Kasa-kasama ko sa aking biyahe
Papunta sa tinatahak na pangarap
Kung saan matatamasa ang mga alapaap


Mga gamit ay nakasiksik sa aking "bagahe"
Kasya lang sa isang bag para tipid sa pamasahe
Kasabay ang mga pangarap na dala
Mga baong pagmamahal mula sa aking pamilya


Gabayan mo sana Panginoon sa aking biyahe
Malumanay sana at daan ay maging swabe
Pilit lalakbayin ang rurok ng tagumpay
Sa dulo ang liwanag sa akin ay naghihintay



Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Hanggang sa Muli

Photocredits : 1 2

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!