"Bat Biglang Napagod?"

in poetry •  7 years ago 

"Bat Biglang Napagod?"


Ako'y taong matayog ang pangarap
Dahil may malaking hamong hinaharap.
Responsibilidad ay pilit na ikinakabit
Sa katulad ko'y walang magawa kundi pumikit.

Ako'y punong-puno ng pagnanais
Makatapos lang at matikman ang tamis.
Ng tagumpay at paghahanda
Sa nakaabang na tadhana.


Kung motibasyon lang ang pag-uusapan
Ako'y isa sa mga pinakapuno ng usapan.
Pagiging dukha'y hindi hadlang sa'kin
Kahit anong hirap man ang sapitin.


Ilang taon tiniis ang paghihirap
Upang makamit lang ang pangarap.
Mata'y bumubulusok ang motibasyon
Hindi na nga iniisip ang magbakasyon.


Ngunit isang pangyayari ang pumigil
At naging dahilan ang mundo'y tumigil.
Pinaglaruan ng mapaglarong tadhana
Paghihirap ay di man lang inalintana.


Sa isang iglap lang, bumagsak ang kanyang mundo
Sa hatol na hindi patas at talagang mapanukso.
Bat biglang napagod? Tinatanong mo paba?
Mundong ibabaw ay hindi pumapabor sa kanya.


Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)

Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakahan.

Muli, maramng salamat po!

Photocredits : One Two

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

good job.

isa ka talagang makata lodi