"Dakilang Lumpo" : A Filipino Poetry

in poetry •  6 years ago 

Magandang umaga Steemians! Nais ko lang gumawa ng aking sariling kath. Naway suportahan ninyo at makilahok sa #wordchallenge na paligsahan. Ito'y hindi isang opisyal na entry. Kung nais ninyong sumali sa paligsahan, narito ang mga opisyal na links :

Word Poetry Challenge #13 : "Pilipinas" | Tagalog Edition

Word Poetry Challenge #11 : "Home" | English Edition


"Dakilang Lumpo"


Photosource


Ako'y dakila sa larangang pinasukan
Matayog at nangunguna sa listahan
Panalo sa mga paligsahan ng paaralan
Mga groupings, ako'y pinag-aagawan


Dakila talaga sabi ng aking mga kaklase
Sa paggawa ng proyekto grabe ibang klase
Di matitinag at laging nangingibabaw
Oral recitations siya ang laging tinatanaw


Bawat grading period palaging nangunguna
Sa lahat ng subject talagang kapuna-puna
Ang tataas, hirap abutin ng pangalawa
Ang dali lang makuha pero ang hirap para sa kanila


Ngunit sa aking pagkadakila'y may nakataong lumpo
Lumpong di makatayo sa sariling desisyon ko
Bawat kilos, hindi ko ito ginusto
Lahat ng ito ay nais ng magulang ko


Ang nais ko lang naman sana ay maging masaya
Mag-enjoy sa lahat ng aking mga ginagawa
Ngunit ako'y lumpo, hindi makagalaw sa sariling paa
Palaging nagdurusa, buhay ay hindi payapa


Nawa'y sana ito'y inyong nagustuhan :)

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ito'y makabagbag-damdaming :) Maraming salamat sa iyong piyesa :)