"Ulan"
Biglang rumagasa at ako'y inanod
Inanod papuntang dako paroon
Kung saan nasa maling direksyon
Direksyong magtatangay sa kadukhaan
Kawalang magtatangay sa kahirapan
Kahirapang magdudulot ng kalungkutan
Kalungkutang maghahatid ng kawalan
Bumuhos ka "Ulan" at ako'y lunurin pa
Lunuring maagi hanggang sa di makahinga
Pahirapan pa at ako'y idiin mo pa
Kung pwede ba ay patayin mo na?
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
mahusay ,maganda ang pagka areglo keep it up..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
jassennessaj your poem is very nice.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit