TULA PARA SA PAMILYA

in poetry •  7 years ago 

Ika'y namulat sa taong punung-puno ng ligaya,
Matatamis na ngiti at malakas na tawa,
Sa bawat lungkot na nadarama,
Nandyan sila ang tawag - Pamilya.

IMG_20171222_183458.jpg

Minsan sa ating buhay tayo'y nakalimot na,
Kung paano magiging masaya ang pamilya kasama,
Trabaho, at trabaho halos araw araw,
Di namalayan ang pamilya mo walang sayang natatanaw.

FB_IMG_1513295412696.jpg

Naranasam mo na bang walang pamilya,
Walang kasangga sa tuwing may problema?
May makakasama sa tuwing nag-iisa?
May kumakanta sa tuwing ikay gumigitara?
IMG_20171225_100910.jpg

Ang nais kong iparating,
Bigyan ng oras ang pamilya natin,
Kahit isang araw magkasama kumain,
Dahil pamilya ang tunay na dadamay sa anumang pagsubok na haharapin.

IMG_20180213_160839.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

very touching poem.

Take some imaginary @teardrops (smart media tokens). You can read about these special tokens Here!!!

indeed thank you