PUSONG NASAWI: (TULA #6)

in poetry •  7 years ago  (edited)

Isang araw, muntik na naman akong nagpakatanga
Isang araw, naisip na naman kita
Isang araw mong ginulo ang isipan ko
Isang araw, binalik-balikan ang masasakit na alaala mo dahil
Isang araw, biglang iniwan mo ako

Iniwan mo ako... at mula noon
Ilang araw akong wala sa sarili
Ilang araw iniisip ang mga dahilan kung bakit ka lumisan at kung bakit ako'y hindi mo pinili
Ilang araw na nagbabakasakali an ako'y iyong babalikan
Ilang araw na patuloy na umaasa sa mga pangako mong napako sa kawalan

Isang tanong na gumugulo sa aking isipan
Isang tanong na hindi masagot nino man
Isang tanong na hindi ko makalimutan
Isang tanong na wala naman talagang kasagutan
Isang tanong, "Mahal bakit mo ako iniwan?"

Hindi lang iniwan kundi iyo naring kinalimutan
Kinalimutan agad na parang walang pinagsamahan
Hindi pinapansin kapag nasisilayan
Ang trato'y parang estranghero lang sa daan

Bakit parang ako lang ang nasasaktan?
Bakit parang ako lang ang nahihirapan?
Bakit parang ako lang nagmamahal?
Bakit ako lang? Bakit?

Nang iwan mo ako, nawala ang tayo
Nang iwan mo ako, ang natira na lang ay ako
Mali pala, kasi pati ako ay nawala noong nawala ka
Nawala ang dating ako na kayang mabuhay noong mga panahong wala ka pa

Pagod na pagod na ako sa lahat ng sakit
Pero ang pagmamahal ko para sa'yo Mahal
HINDI PA RIN NAUUBOS
IMG_0175.JPEG

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ate mayann , tagalog kana pala ngayon ? Kahapon lng nakaraan bisaya kapa ahh! Ang bilis naman nang panahon parang kailan lang haha 😂

Hahaha well, nag iba na ang panahon ngayon kuya @june24. Let's move on na nga mg english dahil magnonosebleed tayong lahat. Hahaha (bidli)

Hahahahah Ou nga , sa bagay we are pilipino naman ehh hahaha

Hahahahaha yeah! I told you.

Bakit ba may mga pusong nasawi?

Kasi nga eh maraming paasa.

Yun oh humuhugot na talaga @mayann ... nice poem

Hugot sad ta panagsa cher hahaha

@mayann so moving poetry every body cries at a heartbreak Upvotibg

Thank you so much!

Ang ganda ng tula. It seems that it come from experience. Napakatotoo. Salamat sa pagbahagi. Magpatuloy sa pag e-steem. You can actually use pilipinas tag for Filipino language. :)

Maraming salamat sa iyong impormasyon. 🙂

Walang anuman. Keep steeming! :)