PAKIUSAP: A Tagalog Poem which tells a story of a friend who fell in love with her own boy best friend

in poetry •  7 years ago 

IMG_3790.JPG

PAKIUSAP

orihinal na katha ni @morken


Isa kang estranghero nang tayo'y magkita,
Pagkakaibigan nati'y hindi ko inakala,
Taglay mo ang ngiting nagbibigay saya,
Taglay mo ang katauhang hinahanap nila.


Pinag-isipang maigi ang bigay mong surpresa,
Kung ito'y tatanggapin o tatanggihan na muna,
Dahil sa aking isipa'y mahirap ito,
Maaaring mahulog sa kabutihang loob mo.


Sa kadiliman ng araw ako'y nandito,
Naghihintay na matulungan ka at hindi mapano,
Nang ang mga tubig sa mata'y ibinuhos mo,
Dinarasal ko na ako ang luluha para sa'yo.


Hindi napansin ang mga araw na dumaan,
Nahulog sa hukay ng hindi namalayan,
Biglang paggising ikaw ang hinahanap,
Hindi ka lang panaginip, ika'y naging pangarap.


Malaking kasalanan, aking nagawa,
Pagkakaibiga'y maaaring mawala,
Itong nararamdama'y hindi ko sinasadya,
Pag-ibig ko sayo'y si Kupido ang may sala.


Sasabog na yata ang mansanas sa loob,
Dahil sa sakit at masamang kutob,
Nangyari nang kusa ang nasa propesiya,
Pagkakaibiga'y nawasak at nawala na.


Kung ang pagluha sa aki'y itinadhana,
Tinatanggap ko ito ng buong kusa,
Araw-araw akong iiyak sa iyong paglisan,
Kung ito'y kabayaran sa aking kasalanan.


Habambuhay akong maglalamay,
'Sa pagkakaibigang malapit ng mamatay,
Alam kong pagmamahal ko'y hindi mo kayang suklian,
Ngunit h'wag naman sanang wakasan ang pagkakaibigan.


Maraming Salamat Po!


May I promote @steemgigs as a witness and @surpassinggoogle as your proxy in voting witnesses. Feel free to click this link below:

https://steemit.com/~witnesses


Image Source

IMG_3161.PNG

IMG_2941.JPG

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Beautiful words. Deep.

Thank you @jndgzmn...