Filipino Poetry #04: "Bakit Mahirap Sabihin Ang Katotohanan"

in poetry •  7 years ago 

Ipikit mo man ng kay tagal ang 'yong mga mata
Kahit lumipas ang mga araw at kahit taon pa
Pilitin mo mang itago ang katotohanan sa iba
Ikaw ay ihahayag at ihahayag Niya

Lahat ng katotohanan masama man o mabuti
Dapat mong sabihin kung iyon ang makabubuti
Ito ma'y sa pag-ibig o sa nagawang kamalian
Mabuti ng masaktan sa katotohanan
kaysa mabuhay sa kasinungalingan

Kung siya'y mahal pa ay sabihin mo na
Huwag na huwag kang magpapaasa ng iba
Kung ayaw mo na'y aminin sa harap nya
Huwag saktan ang taong totoo, baka makarma ka

Maraming dahilan kung bakit mahirap sabihin ang katotohanan
Depende sa bigat ng kasalanan, o dahil sa ayaw mo ng tigilan
Ayaw mong sila'y masaktan, kaya tinatago ang katotohanan?
Ano man ang dahilan kaibigan, maling itigil ang katapatan

Lahat ng tao ay nakagagawa ng pagkakamali
Kaya nilikha ang pambura at ang lapis
Upang itama ang mga nagawang mali
Ang mahalaga'y natuto ka at may panahong bumawi

Huwag matakot sabihin ang katotohanan
Kung handa kang magbago, kanila kang maiintindihan
Ang tama ay tama, ang mali ay mali - madaling tandaan
Sana ika'y may natutunan kung "bakit mahirap sabihin ang katotohanan"

Salamat ng marami sa iyong pagbabasa kabayan!

XOXO,

noime

sundan nyo po ako sa @noime para sa mga susunod ko pang mga tula ng buhay

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

This post has received a 0.69 % upvote from @booster thanks to: @noime.

wow @noime :D very nice poem :D UPVOTED!

thank you my friend @nickiechua ",

Grabe bawat salita tumutusok talaga. Ang kasinungalingan, kahit ano pang rason nyan, hindi pa rin matatakpan ang halaga ng pagsasabi ng katotohanan. Great poem! :D

Salamat kabayan sa pag babasa ng aking tula.. ",