Balagtasan 7 (Araw ng Kalayaan)

in poetry •  7 years ago 

Araw ng Kalayaan



link

Lahat ng Pilipino saan man sa mundo,
Gumugunita sa araw na to.
Kalayaan laban sa mga mapang-api,
Kahit mga kalahi natin sa kalaban’y kakampi.

Pero sa akin nananatili itong tanong,
Kalayaan na nga ba to? o isa lang bugtong.
Totoo, na hindi na tayo sakop ng dayuhan,
Pero aral at edukasyon sino bang pinanggalingan.

Totoo nga ba na tayo’y malaya?
Sagot mo isapuso mo na lang muna,
Dahil sagot ko ay Oo at Hindi,
Basahing mabuti at wag mag-atubili.

Malaya sapagkat mga dayuhang mapang-api’y wala na,
Nitong bansang unang-una puno ng ligaya,
Lalo’t na sa pusong dangal at lumalaban,
Kailanman hindi mapipintasan.

Sa kabilang dako sa’kin ay hindi,
Dahil sa mga taong mapanghusga sa sarili.
Buhay sa kanila’y walang halaga,
Kahit sa kunting pera ay pwedi na.

Ngayon mga kaibigan,
Totoo nga ba na mayroong Kalayaan?
Meron man o wala,
Ang importante naging tunay tayong madla.

__________________________________________________________________________

Lubos na gumagalang
@redspider

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!