Kalayaan
Bawat tao'y may sariling pag uunawa at interpretasyon,
Sa kahulugan ng salitang Malaya ng isang nayon,
Iba't ibang gawi na maikumpara natin sa kasalukuyan,
Na tayo ba'y may maibibigkas na may kalayaan.
Ipinaglaban ng mga katipunero gamit ang lakas, sa himagsikan,
Bitbit ang mga prinsipyong pinaglalaban, hanggang sa katapusan,
Maraming buhay ang nakitil upang ang demokrasya ay makamtan,
Hindi tumalikod sa inang bayan kahit kapalit nito ay kapighatian.
Ngayon maituring na tayo ay mapalad,
Sa katapangan ng bayani'y inilahad,
Lakas ng pagkakaisa ang nasasaksihan,
Sulat kamay na nakapatinag ng damdamin ng mga kalaban.
Ngayon, tayo nga ba ay Malaya sa ating sariling desisyon,
Na maihalintulad bilang makabayan ng ating nayon
Kaya ating isipin, himayin, unawaing mabuti at tandaan,
Na isang kamalian ay siyang makapagpabago ng isang kalayaan.
@redspider