Kabiguan Ng Manunulat

in poetry •  6 years ago 


Lapis at papel aking pinangsibat

Pinangsibat sa mga taong ayaw mamulat

Mamulat sa mga bagay na mali, kung saan sila'y nasadlak

Nasadlak ma'y pakay ng tinta kong mahatak

Mahatak sa tama't puso'y bumusilak

Bumusilak di ang anyong mapanindak

Mapanindak kasamaa'y kinakalat

Kinakalat sa buhay ng iba'y nangwawasak

Nangwawasak ma'y handa ang aking sibat

Sibat na letra'y sa pusong bato'y tatarak

Tatarak ng marahan makikiusap

Makikiusap sanang papel ko'y nayurak

Nayurak binalewala't mga letra'y nakalat

Nakalat sandatang higit pa sana sa sibat

Sibat na tinta'y nagdulot nga ng napakalaking sugat

Sugat sa puso ng may akda nitong sulat...


Vote and Comment Please
Thanks,
Mysterious Aries / Simplyfred

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hello @simplyfred or sir Aries :)

Maganda po ang porma ng inyong tula at ang pagkakaa ayos ng mensahe nito.

Minsan iniisip ko ganito talaga ang concern ng mga writers. Yung mga hinanakit nila sa puso at emosyon doon sila nakuha ng inspirasyon sa pagsusulat. Sabi nga nila "Saan ka ba humuhugot".

Small tip lang po kung maari po ang inyong i po post ay isang bagong akda sa steemit.com. Nasa Wattpad po kasi ang likhang ito, bagama't kayo po ang author doon sa wattpad maari po kayong makatanggap ng comment mula sa cheetah na bot sa steemit.

Kung may tanong po kayo pwede kayo mag mensahe o bumisita sa aming munting tambayan Kung nais nyo pong makigulo sa aming munting trophan ng mga manunulat ng wikang Filipino, iniimbitahan po namin kayo sa aming Discord Tambayan.

Maraming Salamat!