PAALAM... "Nahulog tayo pareho, kaya walang natira para sumalo" #Poetry

in poetry •  7 years ago 

Nakatingala sa kalawakan,
Inaaliw ang sarili sa liwanag na hatid ng buwan..
Minamasdan pagkutitap nang makikinang na tala..
Binabalikan gabing puno nang masaya nating alaala.

Payapang gabing binubulabog nang patak ng ulan,
Hampas ng hangin na nabibigay lamig sating katawan.
Tahimik na kapaligirang pinaingay nang ating tawanan..
Simoy nang malamig na amihang pinainit ng pagmamahal..

Isang gabing nagbigay kahulugan sa salitang perpekto.
Gabi kung saan minsan kong hiniling na oras ay huminto..
Habang hawak mo aking kamay,
Tibok ng ating puso'y musikang ating sinasayaw
Habang mahigpit mo akong yakap
Sa ilalim ng buwan at bituing nagtatago sa ulap.

Gabing punong puno nang kaligayahan..
Para bang isa kang hari't pinasyal ako sa kanyang kaharian..
Kaharian na unti unti kong naging kulungan..
Kasama ang mga gaya kong minsan mo ring pinangakuan ng pagmamahal..
At ngayo'y nabubuhay sa likod ng rehas nang yong kasinungalingan..

Minsan akong sayo'y nag tiwala,
Maging aking mga metapora
Minsang nagpasailalim sa hiwaga nang mabubulaklak mong salita,
Nahulog ka sakin kuno, gayon di ako sayo..
Nahulog tayo pareho, kaya walang natira para sumalo.

Lumipas ang panahon, tanging naiwan ay mga tanong..
Mga tandang pananong na lumilikha ng sugat..
Naghahanap ng kasagutang tutuldok at wawakas sa lahat..
Datapwat ayoko nang marinig pa..
Kasagutang mangagaling sayong dila..
Pagkat baka bumalik muli ako sa simula.
Panahon nalang ang syang bubura nang ating mga alaala..
Pluma ang pupuno sa mga naiwan mong pahina,
Sayong kasinungalingan at harang nitong rehas,
Ako na ay tatakas..
Narito na tayo sa wakas ng huling tulang para sayo'y aking isusulat..
At ang huling mensahe para sayo'y syang napili kong pamagat..
-PAALAM.

I have already posted it in my fb account. You can check it out for more writeups!
https://www.facebook.com/bernadette.holanda.9
https://www.facebook.com/holandabernadette/posts/805033902998422

|||||||||

Please follow me, read my posts. Feel free to upvote if you would like!

Love lots unicorns! Xoxo!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!