#ULOG 2: Kay Hirap Iwanan

in poetry •  7 years ago  (edited)

caged-heart.png
(Taken from mattmcwilliams.com)

Magandang hapon sa inyo, mga tagasubaybay! Ako'y nagbabalik upang ihandog sa inyo ang aking pinakaunang nilikha na spoken word poetry sa wikang Filipino. Minsan ko nang itinanghal ang piyesa na ito sa harap ng isang grupo ng mga tao, at umaasa akong isang araw ay maulit muli ang pagkakataon na iyon. Sana'y magustuhan ninyo ang obra kong ito. :)

Kay Hirap Iwanan
by Jesse Mar E. Mulintapang

Noong dumating ang araw na ika’y umalis
at hindi na bumalik pa,
ako’y naiwang naghihinakit at tumatangis

At naiwan din
ang hindi mabilang na mga bagay
na nagpapaalala sa akin tungkol sa iyo

Noong una ay hindi ko maiwan
ang mga bagay na ito
na palatandaan ng iyong minsang pagsinta

Pero sinikap kong hanapin
ang lakas ng loob
na iwan ang mga ito at magpatuloy

Nagawa kong kalagan
ang mga kadenang nagtanikala
ng aking puso sa mga materyales na ito

Kaya lang may isang tanikalang
naiwang walang gasgas
at hindi man lang napinsala

Nagawa ko mang itapon
ang lahat ng mga bagay
na naguudyok sa akin upang isipin ka

Ay hindi ko magawang itapon
ang mismong mga alaala ko
tungkol sa iyo at tungkol sa atin

Ngayon, tuwing ako’y naglalakad,
saan man ako mapadpad
dahil sa aking mga tungkulin

Tinitingnan kong mabuti
ang bawat taong aking malalampasan
at inuusisa ko ang kanilang itsura

Nagbabakasakali
na ako’y kaawaan ng Dios
at kanyang ipahintulot ang aking hangarin

Na makita kang muli
pagkatapos ng mahabang panahon
at ika’y muling makasama

Dahil umaasa pa rin akong makakasalubong kita
sa pamilihan tulad ng dati, o di kaya’y
makatabi ka muli sa isang pampasaherong jeepney

Kasi nangungulila pa rin ako
sa iyong mga yakap at halik;
inaasahan ko pa rin ang iyong pagbabalik.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

You made a nice piece @virtualself. Congratulations, since not all can create poems with dedication. i loved poetry! I even wrote my pieces as well when I was a kid, and I was fond of rhyming them, until I ended up making songs. :) You can make this as a song as well.

Thank you for the suggestion and the kind words! :)

  ·  7 years ago Reveal Comment

WARNING - The message you received from @graciousrecipe is a CONFIRMED SCAM!
DO NOT FOLLOW any instruction and DO NOT CLICK on any link in the comment!

For more information, read this post:
https://steemit.com/steemit/@arcange/phishing-site-reported-steemautobot-dot-ml

If you find my work to protect you and the community valuable, please consider to upvote this warning or to vote for my witness.

Congratulations @virtualself! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!