πŸ“· Mahalagang Anunsyo: Ikatlong Linggo ng Patimpalak ng Potograpiyang Filipino - Tema: Kabataang Pilipino πŸ“·

in potograpiyangfilipino β€’Β  7 years agoΒ 

Magandang hapon mga kababayang Steemians, narito na po ang: Ikatlong Linggo ng Patimpalak ng Potograpiyang Filipino.

Tema: Kabataang Pilipino

P1010077.jpg

Sila ang mga kabataan na aking namataan sa aking paglalakad sa Unibersidad ng Pilipinas na matatagpuan sa siyudad ng Quezon. Ang mga kabataan ay masayang makikita sa larawan habang sila ay nagpapahinga sa kanilang pagbibisikleta. Natamo ang larawang ito sa tulong ng kamerang Lumix ZS110/ZS100.

Ito po ay tugon sa layunin ni Terry o mas kilalang si @surpassinggoogle na gamitin ang sariling atin, ang wikang Filipino.

Panauhing Hurado sa Linggong ito: @boyetb


--

Ang pagkuha ng larawan ay isang paraan para maipakita natin kung anong meron at kayang ihandog ang ating inang bayan, para maiparating natin sa buong mundo na tayong mga Pilipino ay talentado sa kahit na anong bagay at larangan. Kaya inaanyayahan po natin ang lahat ng mga Filipino o may pusong Filipino, ano man ang lahi na naninirahan o nanirahan sa bansang Pilipinas na mahilig sa potograpiya upang sumali sa ating munting patimpalak.


Papaano sumali sa Patimpalak ng Potograpiyang Filipino?

  1. Ang mga kalahok ay inaasahang kuha nila mismo ang tala nilang larawan. Hangang tatlong larawan lamang ang maaring ilahok. Maaring rin ninyong gamitin ang inyong mga lumang kuhang larawan.

  2. Dapat na isalaysay ng mga kalahok ang kahit na maikling kwento/salaysay at uri ng aparato (kamera o telepono o cellphone) na kanilang ginamit upang matamo ang larawan.

  3. Gamitin ang hashtag na #potograpiyangfilipino at gumamit ng titulong may:Patimpalak ng Potograpiyang Filipino sa inyong posts o hayag.

  4. Wag po nating kalimutang ibahagi ang ating patimpalak sa pamamagitan ng pagboto at pag resteem para maabot ang ibang nais sumali. Huling araw ng pagsumite sa mga larawan ay tuwing Linggo, alas-singko ng hapon oras sa Pilipinas.

😊 Sana ay matuwa at malibang kayo habang kumukuha ng mga larawan 😊


Mga Papremyong Pwedeng Mapanalunan:

Unang Premyo: 4 SBD

Ikalawang Premyo: 3 SBD

Ikatlong Premyo: 2 SBD

At may dagdag 6 na namumukod tanging kalahok na makakakuha ng tig 1 SBD.

Tandaan: Kung ang isang kalahok ay may tatlong angkop na larawan, ang pinakamagandang kuha ang siyang maaring makakuha ng pinakamataas na premyo at hindi niya pwedeng makuha lahat ng gantimpala.

--


Ang paligsahan pong ito ay naging posible dahil sa pakikipagtulungan ni @surpassinggoogle. Ipakita po natin ang suporta sa pamamagitan ng pagboto sa kanyang witness "steemgigs" dito.

--

Notice: This post is intended to give exposure to the Filipino community and those who have been to the Philippines who understand our native tongue. My apologies if no translation was provided.

Hangang sa muli, Rex aka @allmonitors nagsasabing: Wag lang natin masdan dahil sayang, kuhanan natin at Steemit natin😊

emoji source: Emojipedia

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order: Β 

Sasali po ako dito. Kelangan mukha maghanap na pwedeng kuhaan ng larawan.

Hehe lakad lakad baka meron sa kanto sir :)

Opo sir. Maghahanap po talaga ako. Hehe.

Nakasali na po.

Β  Β· Β 7 years agoΒ 

sasali din po ako

Ayos!

Upvoted!

Salamat :)

Β  Β· Β 7 years agoΒ 

Bukas pa ba ang patimpalak na ito?

Β  Β· Β 7 years agoΒ 

Ah bukas pa pala ang huling araw. Ako ay makikilahok! :)

Β  Β· Β 7 years agoΒ 

Narito ang aking litratong inilahok, kung sakali mang hindi ito lumabas sa inyong feed.^^

https://steemit.com/potograpiyangfilipino/@dean101/patimpalak-ng-potograpiyang-filipino-ang-mga-bata-sa-lawa

Maraming salamat kabayan :)