πŸ“· Mahalagang Anunsyo: Unang Linggo ng Patimpalak ng Potograpiyang Filipino - Tema: Kahit Anuman o Random πŸ“·

in potograpiyangfilipino β€’Β  7 years agoΒ  (edited)

Magandang umaga mga kababayan na Steemians, nais ko pong ibahagi sa inyo ang: Unang Linggo ng Patimpalak ng Potograpiyang Filipino.

Tema: Kahit Anuman o Random

Ito ay tugon sa layunin ni Terry o mas kilalang si @surpassinggoogle na gamitin ang sariling atin, ang wikang Filipino.


P1020646.jpg

Sila ang mga masayahing katutubong Ifugao na naninirahan sa Cordillera, partikular sa bayan ng Banawe. Habang sila ay abalang naguusap ay akin silang nakuhanan ng larawan gamit ang kompak kamera na Lumix ZS100.

--

Ang pagkuha ng larawan ay isang paraan para maipakita natin kung anong meron at kayang ihandog ang ating inang bayan, para maiparating natin sa buong mundo na tayong mga Pilipino ay talentado sa kahit na anong bagay at larangan. Kaya inaanyayahan po natin ang lahat ng mga Filipino o may pusong Filipino, ano man ang lahi na naninirahan o nanirahan sa bansang Pilipinas na mahilig sa potograpiya upang sumali sa ating munting patimpalak.


Papaano sumali sa Patimpalak ng Potograpiyang Filipino?

  1. Ang mga kalahok ay inaasahang kuha nila mismo ang tala nilang larawan. Hangang tatlong larawan lamang ang maaring ilahok. Maaring rin ninyong gamitin ang inyong mga lumang kuhang larawan.

  2. Dapat na isalaysay ng mga kalahok ang kahit na maikling kwento/salaysay at uri ng aparato (kamera o telepono o cellphone) na kanilang ginamit upang matamo ang larawan.

  3. Gamitin ang hashtag na #potograpiyangfilipino at gumamit ng titulong may:Patimpalak ng Potograpiyang Filipino sa inyong posts o hayag.

  4. Wag po nating kalimutang ibahagi ang ating patimpalak sa pamamagitan ng pagboto at pag resteem para maabot ang ibang nais sumali. Huling araw ng pagsumite sa mga larawan ay tuwing Linggo, alas-singko ng hapon oras sa Pilipinas.

😊 Sana ay matuwa at malibang kayo habang kumukuha ng mga larawan 😊


Mga Papremyong Pwedeng Mapanalunan:

Unang Premyo: 4 SBD

Ikalawang Premyo: 3 SBD

Ikatlong Premyo: 2 SBD

At may dagdag 6 na namumukod tanging kalahok na makakakuha ng tig 1 SBD.

Tandaan: Kung ang isang kalahok ay may tatlong angkop na larawan, ang pinakamagandang kuha ang siyang maaring makakuha ng pinakamataas na premyo at hindi niya pwedeng makuha lahat ng gantimpala.

--

Notice: This post is intended to give exposure to the Filipino community and those who have been to the Philippines who understand our native tongue. My apologies if no translation was provided.

Hangang sa muli, Rex aka @allmonitors nagsasabing: Wag lang natin masdan dahil sayang, kuhanan natin at Steemit natin😊

Flags emoji source: Emojipedia

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order: Β 
Β  Β· Β 7 years agoΒ (edited)

Napakahusay po ng ideyang ito @allmonitors. Ako'y lubos na nanabik makilahok sa inyong patimpalak. Isang bagay lamang ang bumabagabag sa akin, maari po bang gumamit ng mga litratong nakuha sa nakalipas na anim na buwan o nakaraang mga taon? O maari lamang gamitin ang mga bagong larawan?

Magandang tanong yan, pwedeng pwede. I-edit ko na rin ang post para malaman ng iba. Salamat :)

Β  Β· Β 7 years agoΒ 

Maraming salamat!

yayyyyy good initiative. sana maraming mag join. :)

Join ka na rin :)

Napakagandang post , Binabati kita sa iyo

Maraming salamat :) Kung nais po ninyong sumali ay sundan lamang ang patakaran sa itaas :)

Β  Β· Β 7 years agoΒ 

Ganda talaga ng kuha! :)

Salamat miss @shellany :)

Β  Β· Β 7 years agoΒ (edited)

pwede pong mag ilocano? ahaha,, buloktot ang tagalog ko.. LOL...
*edit
inalis ko yong sinabi ko kanina, pwede pala makisali kahit hindi ako nakatira sa Pilipinas.. Makikisali ako para masanay ang tagalog ko.. ang hirap mag hanap nang salita.. magandang inisyastiba ito, talagang ma pwersa akong magsulat at magbasa nang tagalog..

Sige sir pwede naman Ilocano, lagyan mo rin ng tagalog para masanay :)..Btw, Ilocano rin ako, nahirapan nga din ako mag post ng tagalog :D

Β  Β· Β 7 years agoΒ 

ok ngarud, tagalocano na lang.. ahha

Haha wen mabalin basta indicate mo nga Ilocano a :)

Mabalin amin.

Β  Β· Β 7 years agoΒ 

ok ngarud...

Β  Β· Β 7 years agoΒ 

street shoot is not easy but you did good job!

Thank you :)

Β  Β· Β 7 years agoΒ (edited)

Ayus to hehe. This post received 100% of my voting power. Spread the love thru upvote resteem.

Salamat sir :)

Maraming salamat :)

Kelangan bang magkwento sa tagalog manong??

Kahit maikling caption lang madam pero mas maganda kung may detalye ang larawan :)

Sa Pilipinas lang????

Kahit jan sa UK madam as long as you're a pinoy or pinoy by heart :)

Ah pinoy by heart syempre!

Best of luck :)

Β  Β· Β 7 years agoΒ 

Natutuwa ako na hindi pa huli ang lahat para sa akin na magsumite ng aking lahok para sa paligsahang ito. Mabuhay! :D
https://steemit.com/potograpiyangfilipino/@zararina/patimpalak-ng-potograpiyang-filipino-mga-larawan-sa-pambansang-parke

Β  Β· Β 7 years agoΒ 

Sali na tayo!

Sige tol join na mamayang hapon pa naman ang deadline :)

Β  Β· Β 7 years agoΒ (edited)

@allmonitors nice! contest for filipinos. Napakagandang ideya. :)
...so ibig sabihin every week tong contest nato?

Oo @imawreader para ma expose yung talents nating mga pinoy sa larangan na ito :)