Ito po ang pangalawa na aking ilalahok para sa Patimpalak ng Potograpiyang Filipino, na ang tema ngayong linggo ay "Kabataang Pinoy", na siyang sinimulan ni @allmonitors bilang kaniyang tugon sa layunin ni @surpassinggoogle.
Medyo naging madrama ang aking nailahok kahapon kaya sa ngayon naman, naisip kong ilahok itong dalawang bata na naghahabulan. Ito ay kinunan sa Camp John Hay sa Baguio City. Medyo delikado nga lang ang maghabulan sa lugar na ito dahil maaaring matumba at mag-rolyo ang dalawang bata pababa. Ang dalawang batang iyan ay aking mga pamangkin. Medyo napagod ako sa kakasigaw sa kanila na maingat. Ngunit nakita ko din ang kanilang galak at saya sa magandang lugar na iyon. Nakakatuwang makita ang dalawang bata na masaya.
Gamit ang aking tatlong-taong gulang na cellphone na Alcatel Pop C9 sa larawang ito.
Para sa aking unang nilahok ko kahapon na medyo madrama, eto po ang kwentong yun:
https://steemit.com/potograpiyangfilipino/@iyanpol12/patimpalak-ng-potograpiyang-filipino-kabataang-pinoy-dalawang-batang-nasa-nakakalungkot-na-kalagayan
Salamat po sa pagbabasa mga kabayan.
@originalworks
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
The @OriginalWorks bot has determined this post by @iyanpol12 to be original material and upvoted it!
To call @OriginalWorks, simply reply to any post with @originalworks or !originalworks in your message!
To nominate this post for the daily RESTEEM contest, upvote this comment!
For more information, Click Here!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
meep
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit