Patimpalak ng Potograpiyang Filipino: Kabataang Pinoy- Dalawang Batang Nasa Nakakalungkot na Kalagayan

in potograpiyangfilipino •  7 years ago  (edited)

IMG_201709248_090113.png
Ako po ay isang volunteer na nagtuturo sa mga pipi at bingi ng lenguaheng pasenyas (sign language). Ilan sa mga kaibigan ko ay nagsabi na merong pipi at bingi sa kanilang lugar, at ako ay sumama sa kanila para bumisita. Subalit, nadatnan ko ang nakakalungkot na kwento ng dalawang batang ito. Ang batang inakala naming pipi at bingi ay nakakarinig naman. Di lang nagsasalita dahil walang nagtuturo sa kanya. Siya ay 5 taong gulang.

Nakausap namin ang kanilang tiyahin, at siya ang nagkwento sa min ng mga pangyayari. Ang dalawang batang ito ay ulila na sa ina. Bagaman buhay pa ang ama, ang problema ay pinabayaan nila ito. Di pa nag-tanghalian ang mga bata sa oras na iyon dahil wala silang makain. Ang ama nila na nagtatrabaho ay nagluluto sa umaga, pero nilalagay sa mataas na lugar ang pagkain. Kung kukunin ng mga bata ang pagkain, sila ay sinasaktan ng kanilang ama. Hinahayaan lang nya na masira ang pagkain imbes na ipakain sa mga anak para hindi masira ang pagkain.

Natanong ko ang kanilang tiyahin bakit di na lang nila tulungan, ang sagot ay ayaw ng ama na pakialaman sila. Nang ako ay nagbigay ng suhestyon na bakit di na lang nila dalhin sa DSWD ang mga bata, ang sagot nila ay pinuntahan na raw sila ng kapitan para dalhin na sa DSWD ang mga bata, nagalit daw ang ama at sinabinh wag syang pakialaman sa mga anak nya. Sabi ko, bakit walang nagawa ang kapitan? Hindi tama ang ginagawa ng ama, at may karapatan ang autoridad para kunin ang mga bata na minamaltrato ng ama. Walang masabi ang tiyahin.

Dahil sa awa ko sa mga bata, gusto ko sana magbigay ng pera. Yun nga lang, di pa ko gaano palagay sa tiyahin na baka kunin ang pera, ganun din sa ama. Ang ginawa ko, bumili na lang ako ng pagkain sa may tindahan at binigay sa mga bata.

Kahit paano, ako ay masaya dahil ako ay nakakatulong. Masaya maging volunteer kahit na sariling sikap para masuportahan ito. Kaya ako ay freelancer para makapag-part time volunteer ako.

Ang larawang aking kuha ay gamit ang aking tatlong taong gulang na Alcatel Pop C9. At ito ay akinh lahok para sa "Patimpalak ng Potograpiyang Filipino" na ang tema ay "Kabataang Pinoy" sa linggong ito na sinimulan ni butihing @allmonitors, bilang kanyang tugon sa layunin ni manong @surpassinggoogle.

Salamat po sa pagbabasa ng kwentong ito.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Congratulations @iyanpol12! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

You got your First payout

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Thank you!

kakaiyak kua...resteemed!! now naaaa!!!!
dakila ka kua!!

Haha! Dakila talaga? Hehe

pero masarap pakiramdam ng nakatulong d ba? PEro kawawa yong mga bata, paano na sila? i post mo eto sa discoord para madami makakita baka may makatulong den.

Masarap talaga makatulong lalo na pag walang kapalit. Makatulong pa lang, masaya na dahil mas magsaya ang nagbibigay kaysa nakakatanggap. Hehe
Di pa po ako nakasali sa Discord. Newbie lang po kasi. Hehe

np ok lang yan ako cge dalhin kita don. Andon mga tambayan ng pinoy.
May tao lagi don si @rye05 hehe
para ma post mo to para ma vote. Same user name ako.
https://discord.gg/ZN9C5h

Sige po. Salamat po. Join po ako mamaya.

ok cge pag nde gumana balikan mo ako, sunduin kita lol
sinundo lang den ako kaya ako nakarating dyan hehehe.
cge tulugan na dito. Mag hello ka lang don andon si @rye05 lagi hehe

Salamat sa yo. Di po ako makapagsend ng message sa Discord. Ang sabi, Failed to send.