10 TIPS PARA HINDI MALASPAG ANG BATTERY NG IPHONE:

in savebatterylife •  last year 
  1. Huwag iwang naka-charge overnight. Ito yung numero unong lalaspag sa iyong baterya.

  2. Bunutin agad habang 99% pa lang. Huwag ibabad sa 100% ng higit isang minuto.

  3. Huwag paabutin ng 20% bago i-charge. Dapat naisaksak mo na siya bago pa ma-low batt.

  4. Huwag i-charge kung hindi pa siya bumababa sa 50%. Ang tamang pagsaksak ay between 21% to 49%.

  5. Huwag i-on ang Low Power Mode. Nakakasira ito ng baterya kapag palagi mong ginagamit.

  6. Huwag palaging mag-charge sa powerbank. Nakaka-drain ito ng battery life.

  7. Huwag gamitin ang iPhone ng diretso one hour. Ipahinga ng at least 3 minutes every 1 hour.

  8. Huwag i-on ang data for 30 minutes straight. Patay-patayin ang data every 30 minutes para hindi mag-overheat.

  9. Iwasang gamitin ang data kung mayroon namang wifi sa area. Data kills your battery life.

  10. Huwag bumili ng iPhone kung kailangan mo itong gamitin ng at least 15 hours a day. Pangit ang battery ng Apple kumpara sa ibang brands.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
Loading...