Hello po mga magaganda at mababait na mga kasamahan ko po dito sa steemit,
mga kababayan at sa boung mundo,sana po nasa maayos kayo na kalagayan sa oras na ito.
Ako po pala si Marites a.k.a @misumiyah214 dito sa steemit.
Nais ko lang po ibahagi ang aking karanasan ko sa buhay na hindi naman maiiwasan,at alam ko na sa bawat isa sa atin mayroon tayong mga pinagdaanan mga pagsubok sa buhay,magkaiba man ang pangyayari pero pareho tayong nararamdaman sa tuwing tayo ay makararanas sa mga kalungkutan na ito,na kahit gustuhin natin na pigilan pero hnd kaya kasi wala tayong karapatan na pumigil sa mga pangyayari,at masabi sa sarili na bakit ako pa?
Bakit ganito sa kasakit
At ito po ang gawin kung entry para po sa SMART MEDIA TOKEN (@teardrop) BY @surpassinggoole
Ako po ay may asawa na noon,pero ngayon hnd na.
www.imgrum.org
Ganito po ang pangyayari sa buhay ko
Nung 1999 ,Ako po ay nag asawa ng isang lalaking ilonggo,pero bago pa po kami ikinasal nagkakilala kami sa isang catholic group dito sa lapu-lapu noong 1995,bago ko po sya nakilala,ay kilalang kilala na po sya ng matandang kapatid ko na babae kasi po magkasama nga po sila sa group,kaya nagkailala na rin kame.
Tapos nung mga panahon na yon akoy admire na admire sa kanyang buhay na nakita ko kasi ang nasa isip ko bihira lang po sa mga ka lalakihan ngayon na parang devoted ung buhay nya sa Panginoon,lagi sya nagsisimba at naging preacher pa sya sa group namin.
Pero hanggang admire lang po sa isip ko lang naman sya nasabi,pero dumating ung araw na nag court sya sa akin akoy nagugulat kasi ang una ko pong nakita ung agwat namin ng 8yrs.ska ung mukha nya ay basta hindi ko gusto,pero sa pananamit nya my postura naman.
At hindi ko lang namalayan na akoy napapa oo sa kanya at un,nakita ko naman na mabait,maalaga at mapagmahal,kaya nung nagdalawang taon na ung relasyon namin hndi ko alam na nagpaalam na pala sya sa mga magulang ko na gusto na sya mag settle down at pakasalan na nya ako.
Dumaan ang anim na buwan at natuloy na ang kasalan,ikinasal kame dito lang din sa Virgen de la Regla Parish church.
Tapos ng kasal namin kme ay nagbukod ng kwarto at patuloy ang buhay sa pag tatrabaho ako at sya,at masayang masaya ang buhay na kahit saan gusto pumupunta kumain sa labas,at manonood ng sine, kasi nga wla pang anak.
After 2yrs sa aming pagsasama, wala pa rin kaming anak,at sya ay nagiging active sa union group sa kompanya nila at hanggang sya ay na elect at naging presidente sa union group nila.
At dun na medyo may kakaiba na sa asawa ko,pero akoy tiwalang tiwala sa kanya kasi nga nasa catholic group kami sa simbahan,at habang patuloy po sya sa kanyang pagka presidente dumating na meron lagi sila seminar dun sa baguio,bacolod,dumaguete,manila at kahit saan saan man lang,at ang bawat seminar nila it takes 5-7 days bago sya umuwi,kasi nga dw sa seminar nila,tpos ako ay maiiwan na magiisa sa bahay namin.
At ng sya ay dumating na galing sa seminar nila may pagbabago na akong napapansin sa kanya na lagi na sya umiinom ksama ung mga kaibigan nya hanggang magdamagan.
Pro akoy nag giveway sa kanila,kasi nga tiwala ako sa kanya,ska nagrespeto dn ako sa mga kaibigan nya at sa knya.
At isang araw na pagka galing ko sa work at dinatnan ko sya sa bahay namin na nag iisang uminom at ung mukha na ay pulang pula na at lasing na.at ang sabi nya ay andito kana pala halika ka nga dito,sabay hawak sa kamay ng sobrang higpit at akoy napasigaw na bakit ba???bakit ka naglasing "ang sabi pa nya na naglalasing ako kasieron na sana akong anak tapos nalaglag lang kasi ung babae dw ay lagi umiinom? Ikaw sa tingin mo anu ba ang nararamdaman mo? Hindi ako umimik parang ang tilaok ko mayrong nabara na hindi ako makapagsalita sa kanya,ang nagawa ko is umiyak lang ng umiyak,gusto kong magsalita pero wlang boses na lumabas ang sakit..
Ilang araw hindi ako nagsalita sa kanya,kasi inisip lo talaga kung anu ang gagawin ko,ayaw kong sasabihin sa iba kasi nakkahiya kaya ako lang ang nakakaalam sa situation namin nun.
At inantay ko talaga sya magsalita na kung bakit nagawa nya sakin ung nagkaroon sya nga anak sa ibang babae.
Isang buwan ska pa lang sya nagsalita sa akin na kung bakit nagawa nya un,kasi daw ang babae ay kasama nila sa union group at nagising nalang daw sya na isang umaga na kasama na sila sa isang kwarto,kasi dw sya ay nalasing nung time na un.at inantay ko sya na manghingi ng kapatawaran sa akin pero hindi ko narinig sa kanya at never nya sinabi na sorry sa nagawa ko,.kasi ang paniniwala nya ay lasing daw sya.
At ang balak nila daw sana kung nabuhay pala ung bata gawin sana nila na ipa adopt sa akin ang bata,at sya ung tatay at ako daw sana ang nanay.
Akoy nagalit na tuloy sa kanya,"bakit anung tingin nio sakin pusa or baboy na bigyan ng tuta or biik wlang masabi? Sna hind nalang ako ang pinakasalan mo? Sya nalang sana na taas ung boses ko.bakit ako pa???para lang saktan??bakit wala ba akong puso? Sa palagay mo? KUNG AKO KAYA ANG NASA PALAGAY MO NGAYON ANU BA ANG REACTION MO? Hindi kaba masasaktan?
At binigyan ko sya ng isang chance kasi nga deserve to have a second chance.
Nakalipas ung mga taon ang pag aakala ko na nagbabago na sya,at isang linggo nalang ska kami mag 8yr anniversary,kaya nag plan ki ng kaunting handaan pasasalamat at salu saluhan sa mga kapatid nya at mga kapatid ko din as usual na kapag merong okasyon same set up eka nga.
Kinabukasan ay anniversary na namin sya ay hind pumasok kasi nga sya ang maghahanda ng pagkain,tpos ako naman ay pumasok sa work ko,pagkatos ng work ko,sya mag memesage sakin na hindi dw nya ako masundo kasi nkainom na dw sya para iwas disgrasya kaya ako na ok lang nag commute pauwi sa bahay namin,at nagulat ako na pagdating ko sa bahay na wlang mga bisita tpos sya ay nakaupo sa sala namin,at ang sabi ko sa kanya nasaan na sila? Ang sagot nya sakin ay pinauwi ko na,bakit? ang sabi ko sa kanya..sabi nya sakin kain ka muna lalabas lang ako sandali,kaya akoy kumain kasi gutom na,at nag re ring ung cellphone nya kya tinawag ko sya na sagutin ung twag sa cellphone nya,at sabi nya sagutin mo nalang ..
Pero hind ko sinasagot ung twag sa cellphone nya kasi ang akala ko ay baka ung mga kaibigan na naman nya yan mangyaya ng inuman,kaya hnd ko sinasagot
Pero ring pa rin ng ring ung cellphone kaya sinagot ko na po,sabi ko hello..sino po sila?
Pero hndi sumagot sa kabilang linya..at binigay ko na sa asawa ko.tpos nag usap sila at hind ko narinig ung usapan.
Pagkatapos kung kumain hinila ako nya paupo sa sala at sabay sabi na alam mo ba kung sino ung tumawag? Sabi ko hindi sino ba un hnd naman sumagot sakin ng helloo..
Ang sabi nya na 8 yrs na tayo at wala pa rin tayong anak pwede ba mag adopt nalang tayo ung kadugo lang natin ba,sabi ko bakit hind magpatingin sa doctor pra ma advisan tayo kung anu dapat natin gawin,sabi nya huwag na mag adopt nalang tayo. Kaya ang sabi ko pwde naman.
Tpos un na sinabi nya sakin na ung tumawag pala sa Cellphone nya girlfriend dw nya daw un fati na hnd sila nagkahiwalay pero hnd na sla nagkita at wla ng communication at sya ay andito na sa cebu at ung babae naman ay nasa iloilo pa rin.
At buntis na ang babae ng apat na buwan at sya daw ang ama at gusto rin na naman na ako ang magiging ina sa.bata kapag makalabas na,at tinatanong pa nya sakin na gusto ba daw ako sa bata,ang sabi ko hindi? Syempre akala ko nagbago kana ,binigyan na kita ng chance at bakit ginawa mo pa rin ito sa akin,anu ba ang nagawa ko sa iyo na kasalanan,at ang sabi nya sa aking segi kung ayaw mo sa bata? Bigyano ako, ng pera at tatawagan ko ung babae at ipalaglag lng namin kung ayaw mo,,sympre ayoko kungagpalaglag man kayo ng bata bakit isali pa ako sa mga plano nio,unang una pa lang kasalanan na ang ginawa nio sa akin,tpos ngayon iddamay nio pa ang bata? Nasaan naba ang konsensya mo? Nasaan na si Kristo? Wla naba jan sa puso mo? Alam mo naman na mortal sin ang pagpatay at walang kapatawaran na kasalanan.
After 1 week walang imikan,sya pa ang galit sakin bakit daw hindi ko sya binigyan ng pera,,at laking gulat ko na itinutok nya sa ulo ko ung baril nya at sabay sigaw na " ito matapang ka pa rin? Sabi ko segi ako naman ang may kasalanan ituloy mo patayin mo ako? Ok handa na ako kung yan ang gusto mo,mas mabuti nalang na mawala ako kaysa pahirapan mo pa ako ng ganito,total alam naman ng Diyos kahit walang makakita sa ginawa mo akin at tiningnan ko ung mukha nya na sabi ko" paalam" ituloy mo ..tapos lumabas sya sa bahay at dun nya pinutok ang baril nya,..
At nag abroad ako at laking pasasalamat ko sa panginoon na bingyan pa nya ako ng pagkakataon na mabuhay,at ipagpatuloy sa ibang bansa ang aking buhay..
Sobrang sakit at pait ung buhay ko na may asawa.
www.goluputtar.com
Sa ngayon nagpa annul na po ako at ongoing pa ang hearing ...
Hind man maganda ang karanasan ko sa buhay may asawa at sana mapupulotan ng aral sa mga single pa ngayon na choose wisely.At salamat ki sir @surpassinggoogle for making this kind of story,that makes me cry when im writing this but at the same time,ma ereles o mailabas ang kalungkutan.
I believe that time will heals,but now im still recovering myself.mag 9 yrs na simula kme naghiwalay at hindi ko pa masabi sa haba na ng panahon makalimutan ko po ung sukat sa puso ko at trauma na nangyayari sakin.kumukuha lang po ako ng hugot dun sa family ko at higit sa lahat sa Panginoon dahil sya ang nagbibigay sakin ng lakas para, harapin at tanggapin ang buhay na ganito,kasi nasa puso ko na meron po sya purpose para sakin.
Hanggang dito nalang po,
Maraming salamat po sa inyong pagbasa sa kwentong buhay ko
You are very brave.
Time heals...stay strong.
Thanks for sharing it with us.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Thank you @steemgigger.yes I believe time will heals and only God knows when?
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit