Ito ay isang inspirasyon na nanggaling sa kuwento ni Noah at ang kanyang arko na lumigtas sa mga hayop noon sa kapahamakan at delubyo. Sanay ito'y inyong magustuhan at subaybayan!
Image Under CC0
"Bilis!" Malakas na sigaw ni Noah habang nagmamadali sa pag-agak ng mga hayop patungo sa kanyang arko. Dahil sa susunod na apat-napu't araw, ang buong kapatagan ay mababalot ng tubig, at wala ni isang lupa ang makikita. Ang mundo ay lulunurin para ito ay maging malinis at malayo sa dumi. At bubuhos ang walang humpay na ulan.
Si Noah at ang kanyang pamilya at ang mga napiling hayop ay alam na mangyayari itong delubyo na ito. Sila ay binalaan at alam nila na kapag sila ay sumunod, sila ay maliligtas sa tiyak na kamatayan.
Hanggang sa lahat ay nakapasok na sa arko, lahat ng mga hayop ay tahimik at komportableng namamahinga sa loob ng arko. Sumirado na ang pinto at naging panatag sa loob dahil sila ay ligtas na. Baka ligtas na nga.
Ang mga hayop ay nagtinginan at ngumiti sa isa't isa. Sila ay masaya dahil magiging parte sila sa bagong mundo na walang bahid ng anumang kasakiman.Tinignan nila ang bawat silid ng arko at mabusising siniyasat ang bawat isa't isa, kung anu-anong hayop ang niligtas ni Noah at ng Diyos. Ng biglang, may dalawang naglalakad na patpat na dumating galing sa kasulok-sulukan ng arko. Lahat ay tumindig sa takot at nagtaka.
"Hanggang dito ba naman andito ka, isang impostor?" Malakas na tanong ni Ginoong Parrot.
"Ako nga rin ay nabigla at gusto rin akong maligtas ng aking angkan at maging kabilang ninyo sa bagong mundo!" Sagot ni Ginoong Ahas habang naka-ngiti kaharap ang kanyang pares na si Ginang Ahas.
"Magiging totoo nga tayo! Lahat tayo dito alam na hindi ka nababagay dito. Hindi ka kasali sa plano!" Naging malutong na sabat ni Ginang Peacock.
"Maging kalmado lang tayong lahat! Dahil hangga't ang dalawang ahas na ito ay tahimik lamang sa sulok, wala kayong dapat ipangamba at pede silang magpalipas dito sa arko. Tama ba ako, haring Leon?" Matiwasay na sabi ng magkasintahang Unggoy. Sa oras na iyan, ang dalawang Unggoy ay naging praktikal lamang, dahil alam na alam nila na wala silang panama sa dalawang ahas.
"Yan ang magiging problema natin. Ako at ang aking asawa ay gutom na gutom na." Mabilis na sabi ni Ginoong Ahas bago may masabing desisyon si Haring Leon sa komosyon.
At ayun na nga, dumating na nga ang kinatatakutan ng lahat. Pinunterya ng mag-asawang ahas ang isang nakakaawa at walang kalaban laban na si Ginang Pusa. Pinulupot ng dalawang ahas ang kanilang katawan sa natutulog na pusa at inilabas ang mga matatalas na pangil. Napa dilat ang kawawang pusa sa lamig na kanyang nadarama at bakas sa kanyang pagmumukha ang katakot takot na nakita. Walang ibang masabi si Ginang Pusa sa higpit na pagkakabalot sa kanya ng dalawang gutom na ahas, kundi isang nakakalumong "Meooooooowwwwww!"
Lahat ng ito ay naganap sa mismong harapan ng mga hayop, mga takot at nakakaawa. Walang isang protesta kontra sa ginawa ng dalawang ahas dahil silang lahat ay takot na baka maranasan din nila ang pait na nangyari ni Ginang Pusa. Tinignan lamang nila ang isa't isa na para bagang nagbibigay hudyat na sila ay mamatay na.
Samantala, ang dalawang ahas ay tuwang tuwa sapagkat silang dawala ay busog na. Bumalik sila sa sulok kung saan sila nanggaling at namahinga.
"Poong mahabagin! Hindi ito dapat mangyari!" Winasak ni Ginoong Parrot ang katahimikan at biglang umiyak.
"Tayong lahat ay nasa piligro na ngayon!" Tahol ni Ginoong Aso.
"Wala na aking sinta, wala man lang akong nagawa upang siya ay mailigtas. Ngayon ako ay nag-iisa na lamang! Wari ni Ginoong Pusa habang humahagolhol sa nangyari.
At ang lahat ng mga hayop ay nagreklamo ng nagreklamo ng nagreklamo.
"Dapat may maisip tayong paraan para mapaalis natin ang dalawang Ahas na iyan." Suhesyon ng isang batang Karnero.
"Oo nga, sang-ayon ako sa iyo batang karnero! Ngunit, dapat ipaubaya natin ang desisyon kay Haring Leon. Ang ating kaligtasan ay ang kanyang pangunahing trabaho." Karagdagan na suhesyon ni Ginoong Fox.
Naging malungkot at pagod si Haring Leon. Ang kanyang kabutihan at serbisyo sa lahat ng mga hayop ay nagbigay problema sa kanya dahil umaasa na palagi ang lahat ng mga hayop sa kanyang mga desisyon. "Lahat tayo ay mag-isip ng paraan upang mapaalis natin ang dalawang Ahas dito sa arko. May mga ideya ba kayo?" Tanong ng Haring Leon na malumanay. Hindi halos marinig ito dahil lahat ng mga hayop ay natataranta na sa nangyari.
"May tiwala kami sa iyo bilang ating pinuno," wari ng mga hayop. "Mag-desisyon kana!"
At bago pa makagawa ng desisyon si Haring Leon, nagising ulit ang dalawang Ahas at ito'y gutom ulit. Sa kasamaang palad, ang bagong biktima ng dalawa ay ang mag-asawang daga. At ang lahat ng mga hayop ay lalo pang natakot sa nangyari.
Lahat ng masasamang tingin at sabi-sabi ay itinuon sa Haring Leon.
"Hindi ka nababagay na maging pinuno namin," sabay sabi ng lahat ng hayop.
Napabuntong hininga na lamang si Harin Leon.
...ipagpapatuloy
Congratulations @themanualbot! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of posts published
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @steemitboard:
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hi @themanualbot!
Your post was upvoted by @steem-ua, new Steem dApp, using UserAuthority for algorithmic post curation!
Your UA account score is currently 4.147 which ranks you at #2893 across all Steem accounts.
Your rank has dropped 28 places in the last three days (old rank 2865).
In our last Algorithmic Curation Round, consisting of 361 contributions, your post is ranked at #300.
Evaluation of your UA score:
Feel free to join our @steem-ua Discord server
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Wow nice. Nakita nyo n b yung writing posts ng @tagalogtrail? Lagi sila nagpopost ng mga stories din. 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations @themanualbot! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of comments received
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @steemitboard:
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit