Ang hirap palang umibig mag-isa.....

in spokenpoetry •  6 years ago 

2018-09-03_10.43.08.jpg

Naalala mo pa ba, nung unang beses tayong nagkita?
Naalala mo pa ba, nung unang beses na nagkakatitigan tayo sa mata;
kasabay nun ang mga ngiti mo't kindat na sa akin nagpatawa at ngpapakilig sabay hiling na sana makilala kita, makausap o makakwentuhan ng kahit anu-ano lang makasama lang kita.

Baduy ko diba?
Ako yong babae pero ako yong nag-umpisa.
Ako yong nag-umpisang ipakita sayo na gusto kita.
Ako yong babae na sinasabayan ka, sinasamahan ka kahit san ka magpunta makita mo lang na nililigawan kita.
Ako yong babae pero ako yong unang nagsabi sa salitang MAHAL KITA.

Masarap ba?
Masarap ba sa pakiramdam na sa pag-alis mo alam mong maghihintay ako kahit di ka naman nangako na babalikan mo, kahit di ka naman umuo nung nanliligaw ako. In short, WALANG TAYO!

Masaya ka ba?
Masaya ka ba sa bawat pagsabi kong "Mahal kita".
Sinasagot mo ko ng "Miss na kita".
Na sa bawat pagsabi kong "Miss na miss na kita".
Sinasagot mo ko ng "Ay sus, bolera...".
Ang hirap nun, alam mo ba?
Ang hirap palang umibig mag-isa..
Kaya nung nawala ka bigla, nawala din yong tuwa na iginuhit mo sa aking mukha.
Nahihirapan akong bumangon dahil sa bawat paggising ko sa umaga ikaw ang aking rason.
Pero syempre, sabi nga nila "Life must go on"
Kailangan kong magmove-on.

Pero nung nakapagmove-on na ako,
saka ka bumalik sabay sabing "I miss you".
Muli na namang nabaliktad ang mundo ko.
Muli na namang nagulo ang buhay ko.
Muli na namang nalilito ang aking puso dahil yong feeling ko na nakamove-on na ako, na okay na ako, na nakalimutan ko na na may tulad mo di pala totoo. Nag-aakala lang pala ako.

Masaya ka ba?
Masaya ka bang nasasaktan ako?
Masaya ka bang nakikitang umiiyak ako?
Masaya ka bang may nawawasak na naman na puso?
Ano pang tingin mo sa sarili mo, TAO o DEMONYO?

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!