Pinakaunang Cebuana na makilahok sa 24 oras Ultra marathon

in sports •  6 years ago 

Rhoda2-730x744.jpeg

source

Malaking pasasalamat para kay Rhoda Caballero-Oporto isang ultra marathoner na bukas ang oval 24 hours sa Cebu City Sports Center. Ang 24/7 na opersyon sa Cebu City Sports Center o CCSC oval ang nagsimula sa buwang ng Abril 2018 at isa sa pinakaunang oval sa bansa na 24/7. Nagiinsayo si Oporto kapag mayroon siyang bakanting oras at naghahanda para sa nalalapit na 2018 Soocho International Ultramarathon IU 24 hours Asia at Oceania Championship sa Taiwan sa December 1 at 2.

Maraming mga elite na ultra runners sa Asia ang makikilahok. Ang event na ito ay pagsubok sa katatagan ng mga runners sa pagtakbo ng 24 oras sa oval ng Taiwan. Ang manlalaro na may pinakamahabang distansya sa itinalagang oras ay ang mananalo.

Matinding pagiinsayo ang ginawa ni Oporto at nakapakalaking tulong ang Cebu City Sports Center dahil 24/7 ito. Si Oporto ay nagtatrabaho sa PhilHealth at nag-iisang napiling Cebuano na naging bahagi sa 6-man lineup sa Philippine Association of Runners. Ito ang pinakauna unahan na makilahok siya sa laro dahil wala pang ganitong klasing kaganapan na nangyari dito sa ating bansa.

Nagiinsayo si Oporto tuwing pagkatapos ng kanyang trabaho at ang kanyang insayo ay 2 oras sa lunes hanggang biyernes at higit sa 2 oras naman tuwing sabado at linggo.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!