Si Maria Clara sa Modernong Panahon

in steemit •  7 years ago 

35644364_1653825721337196_8741019017348644864_n.jpg

33510646_1630709176982184_1638718886020907008_n.jpg

Ano na nga ba? Ang mga kabataan sa modernong panahon?

Ano na nga ba ang sinasalamin ni Juan at Maria Clara sa panahon ngayon?
Dahil sa mabilis na pagunlad ng teknolohiya at mga makabagong imbensyon, tila hindi narin natin napapansin na ang lahat ay may kapalit na pagbabago mula sa positibo at negatibong epekto nito.

Sa makabagong teknolohiya, napapabilis ang lahat ng gawain ngunit sa kabila nito tila mas nagiging tamad na ang karamihan sa atin, na umaasa na lamang sa mga makinarya na makabagong imbensyon.

Tila nagbabago na ang ating pagtrato sa ating pamilya, kaibigan, kapwa at kapaligiran.

Tignan na lamang natin si Maria Clara na dating mayumi, magalang, masaya at may dalisay na puso. Na tila ba nilamon na ng teknolohiya sa larangan ng internet at social media.

Ang tunay na kasiyahan at ngiti na tila ba pagpapanggap para lamang maipakita ang kasiyahan niya. Ngunit sa kabila nito’y isang kalungkutan ang nadarama.

Si Maria Clara na tila nakakalimutang magdasal bago kumain sa bawat biyayang natatanggap, ngunit mas uunahing kuhanan ng larawan ang pagkain at maipagyabang ito sa madla ng social media.
Ipagkandalakan ang mga bagay na kanyang nabili, nakakamit at nakukuha para ipagyabang ito sa kanyang mga kaibigan sa social media.

Na tila ba nakalimutan ang pribatong buhay at pilit na naaliw na ito’y maging isang bukas na libro para sa lahat.
Napapabayaan ang bawat oras na dapat ay nagagamit sa kapakipakinabang na gawain, ngunit mas tila ba’y nagbababad sa mga di makatotohanang balibalita, makiusyoso sa mga away-away na walang katuturan at makipagkwentuhan sa pakikipagchat ng walang saysay.

Ganito na nga ba talaga ang modernong panahon? Ganito ba natin masasabi ang maunlad na bansa ay Masaya ngunit di nagagamit sa tama. Sa tamang pamamaraan ? Ganito na ba ang tunay na ibig sabihin ng masaya? Na tila ba ay kailangan natin itago at magpanggap sa bawat litrato na walang tunay na kaligayahang nadarama.

Tila ba nauhaw si Maria Clara sa katanyagan upang makilala ng komunidad at walang tanging hangad kundi ang magpasikat sa mga bagay na walang katuturan.

Na manatili ang katamaran, magsalita o magbigay ng opinion na hindi pinagiisipan upang makasakit lamang sa kapwa.
Ang tunay na Maria Clara sa modernong panahon ay may magandang hangarin at kalooban. Ang kaisipan at puso ay dalisay sa disiplinadong pamamaraan na kung saan ang pagiging tapat at magandang ehemplo ang ipinapairal.

Ang pagiging masayang tunay ay hindi sa litrato lamang ngunit ang katotohanang masaya si Maria Clara na makiisa at tumulong sa kanyang kapwa na hindi kinakailangan ang maging mapagmayabang at maghangad ng katanyagan.

Si Maria Clara sa modernong panahon ay mananatiling may disiplina at kabutihang loob. Na ang tunay na kaligayahan ay hindi lamang sa social media iikot ang buhay. Ngunit sa mga bagay na patuoy natin ginagawa na may mabuting epekto sa ating lipunan tungo sa kaunlaran na may disiplina sa isip, sa salita at sa gawa.

Nagmamahal
Rio

Photo Credit: Facebook Living Art

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!