Ang isang damdaming madalas paglaruan
minsan kung umibig malimit kung masaktan
tunay na pagibig kapag nasaksihan
sa huli ay luhaan pagkat napagsawaan
kapag yaring puso'y naging salawahan
Dalawa ang inibig ng pusong mapanlinlang
Sa pagpiliy di mawari ang sinong dapat masaktan
Ang una ba o huli sakit na dulot ay walang hangan
Una mong naangkin pusong sugatan
Sa dating pagsuyong minsan may di naranasan
Iba'y dumating na may mainit na lambing
Ninais kong tunay kahit maling gawin
Ngayon langit ko'y tuliro lito at gulo
Ang unang pagibig pinanindigan ko ito
Khit init ng pagsuyo'y wala na dito
Pilit kong nilalaban dahil ang tayo ay tayo
Tangi kong hiling kung bukas may dumating
Maging malaya yaring isip sa pusong nabitin
Sa unang pagibig na kulang ng pigilin
At sa bagong pagsuyong nirapat ng tapusin
PUEDE NA AT PUEDE PA...
Itong tadhanay sadyang mapaglaro
Susi sa Pinto ng puso’y itinago
Para sayo nangakong di maglalaho
Pagibig na ito’y pakaiingatan ko
At sa pagikot nitong ating mundo
Biglang may kumatok sa pusong sarado
Hindi na puede may may-ari na nito
Huwag ng ipilit, masasaktan lang tayo
Sa bintana ng makulay na buhay ko
Nakita ko ang siyang ligaya mo
Hindi ko maintindihinan sa dibdib ay may kirot
Hindi ka na pwede pusoy bigla ng natakot
Anong gulo itong aking nadarama
Hindi na puede, pero baka pwede pa
Hindi na pwede, akoy meron ng iba
Hindi pa pwede, kasi may kasama ka na
Habang sinsara ang kwento nating dalawa
Kasi hindi na pwede, puso nati’y nakatali na
Kung sa piling ng iba hindi tayo sumaya
Sana’y muling magkita ating mga mata
Kung Itanong mo sa akin, PWEDE NA BA?
Sagutin mo muna kung PWEDE PA BA?
Kapag ang sagot sa tanong ay Oo Okay na…
Pag-ibig nati’y PWEDE NA AT PWEDE PA….