Ang mundo ko'y hindi mo mundo!
Ang hiniga ko'y hindi mo hininga!
Nguni't sa tinig mo'y inutusan mo akong may pananakot!
Ibig mong wasakin ang aking sintido sa iyong angil,
basagin ang aking bungo at ipakain ang utak sa asong gala!
Gusto mo akong baguhin gayong ako ay ako at ikaw ay ligaw,
sinisiil mo ang aking kalayaan, kalayaang gumala sa aking mundo,
gayung wala ka pa dito sa aking nasasakupan ako na ang mundo!
Ang mundo ko'y akin, iisa ako ng aking mundo,
ngunit ika'y nang-aakin ng hindi iyo, maging ang lahat ng aki'y ibig mong mapasaiyo!
Sino ka sa aking mundo, gayong napadpad ka dito'y ni anino mo'y wala ka!
Isa kang esensong huwad na pumapanilalang sa katauhang hubad ang pangalan,
idinuduldol mo ang hiwaga ng iyong tinig sa kanilang bukas na tengang alipin ng iyong pang-aalipusta,
isinusubsob mo ang iyong lipaking ngusong napudpud sa kakakuskus sa kanilang mga labi,
nasaan ang moog ng iyong kamalayan at tila naiwanan mo sa iyong nanglilimahid na pinanggalingan?
Bukod kang tanging hindi ipinagpala sa araw ng iyong madalim na kapanganakan,
hubad kang hinubdan ang iyong balikong kapalaran,
ikaw nama'y baluktot kang tumimo sa mas kabalintunaan,
ibig mo yatang magpakagimbal ng iyong nakahandang pananambang ng katinuan,
at saang panig mo maikikintal ang malubhang maysakit na pagtama,
sa akin bang nangangatal na plumang marami nang pinaluhang titik sa monitor?
Hindi ka liwanag sa aming dinaraanan at sadyang nagpapadilim ka pa sa aming tinatahak,
mabubulag mo kami ng pangsamantala ngunit ang sabog ng liwanag sa kalawaka'y hindi mo pag-aari,
ang Haring Araw ay manunumbalik sa kanyang liwanag dahil mapamuksa ka sa dilim nang kumakalat sa gabi,
kumikilos kang patago sa lilim nito at inuundayan mo kami ng matalim mong punyal ng pighati!
Sa kaibuturan ng iyong pagkakalinlang at ng iyong pagkatao bukod kang hindi ipinagpala,
kaya't hindi kami ang mananagot ng iyong itinakdang masalimuot na kapalaran,
sana makita mo ang tamang panunumbalik ng naligawa na diwa kung saang estero ito napadpad,
kung paano humubog ng malaimpiyerong karansan ay huwag mong ipahid sa amin ang iyong lipaking dumi!
Di namin ibig manlimahid nito, ikaw ang lilinis ng iyong itim na buto at kaluluwa,
wala sa hinuha namin ang kami'y malambungan ng makitid mong kamalayan,
sa tuwing kami'y ibig pumainlalang kasabay ng mga nagngingitiang titik sa aming mga pluma,
ikaw pa rin ay nananatiling nakahandusay sa gilid at sulok ng iyong pagkatao,
lasing sa sariling pag-apuhap ng mapanghimasok na kahibangan!
Sampaloc, Manila
February 12, 2018
Our mentor @surpassinggoogle has been very supportive of our group (STEEMITDIVERSIFY) and other groups too. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Others that are good: @beanz, @teamsteem, @good-karma, @busy.org, @esteemapp, @hr1, @arcange @bayanihan, @acidyo, @anomadsoul, @steemitph, @henry-grant and @paradise-found, also the many others who have visited My posts. Pls. support them too. Thank you very much.
I am grateful for that and for everyone who has helped me and my friends.
Magandang pascel my friend @iwrite
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
ang ganda ng message sir thanks :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
dalim nang tagalog lol
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang pagiging makata ay nakapagpapasaya
Ito'y nagpapakita ng wagas na pagkadakila
Sa ating inang bayan ikaw ay may pagpapahalaga
Naway maging isang napakagandang halimbawa.
Wow na wow namn sir @iwrite..😊😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang lalim naman sir @iwrite i feel you :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
nakaka nosebleed din pala ang tagalog, lol...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit