Magandang Buhay mga ka #steemitdora☺☺☺
Sa aking pagbabalik tanaw ang araw na ito ay ipinagdiriwang ang kapistahan ng mga kababaihan sa bayan ng aking ina sa bohol na kung tawagin ay "Lady's Circle".Kung wala lamang ang pandemic na ito marahil ay naglakbay na ako papunta roon.Pero dahil sa meron nga tayong kinakaharap na krisis ngayon ay hindi pa pwedeng maglakbay kaya akoy nagbalik tanaw na muna.
Naalala ko lamang nung akoy magsimba sa araw na ito ay naka pantalon at blouse ako.At laking gulat ko ng akoy pagalitan ng aking tiya.Iyon palay bawal mag pantalon.Kelangan daw ay naka palda o bestida.Dahil ito ay pagpapakita ng pag galang at respeto sa mahal na birhen Maria.Kaya naman dali-dali akong nagpalit.At iyon kami ay nagsimba na at pagkatapos ay nag prusisyon.Sa mga panahong ito ramdam ko ang kahalagahan ng mga kababaihan.Anuman ang mga naging naranasan mo sa iyong buhay ay kailangan respetuhin ninuman.☺☺☺
Hanggang dito na lamang po ang paglalakbay nating ito.Hanggang sa mui.Ingat po kayo palagi.Stay at home.God Bless at maraming salamat sa pagsama sa aking paglalakbay kahit na sa pag babaliktanaw lamang.Bawal pa kasi ang gumala kaya ganern☺☺☺.
truly yours,