Magandang buhay mga ka #steemitdora☺☺☺
Pasensya na at medyo nawala ako nitong mga nakaraang araw hindi dahil sa busy ako kundi ayaw ko lang talagang maglakbay muna.Iyon ay dahil sa tuwing maaalala ko ang aking mga paglalakbay ay nalulungkot ako.Tulad na lamang ng alaala ko sa karagatan nakakamis isipin na kung dati ay gustuhin man nating maligo ng dagat ay agad-agad pwede.Pero sa sitwasyon natin ngayon nakakalungkot man isipin ay hindi pa pwede dahil naka quarantine tayo.
Bawal pa tayong gumala o maglakbay.Kaya naman pag pasensyahan niyo ako kung madalang lamang akong maglakbay ngayon.Mag tulungan tayong manalangin na sanay malagpasan at matapos na itong pandemya na ito.Para naman makapaglakbay tayong muli at maibahagi natin ang ating mga karanasan at maipakita sa kanila kung anu-ano pa ang ganda na meron ang ating mundo.
Para naman kay @steemitdora paumanhin at ngayon lang uli ako naglakbay.Sa aking pagmumuni-muni kasi dahil siguro sa akoy bagot na,napansin ko na parang ako ay tinatawag ng paglalakbay.Pero wala akong magawa dahil bawal pa sa ngayon ang maglakbay.Nakakapaglakbay man ako sa bahay at palengke lamang kung may mahahalagang pakay o bibilhin lamang.Pero kung wala naman ay sa bahay lang.Sa totoo lang ngayon ko lang napagtanto na noon na akoy may trabaho pa ay gusto kong lumiban at maglagi lamang sa bahay pero ngayon na andito na nakakabagot din pala lalo na kung wala kang ginagawa.Pero ngayon kahit papano nabawas bawasan ang bagot dahil sa steemit.Malaki kasi ang naitulong nito sa akin kahit na akoy nasa bahay lang.
Oh siya mga ka #steemitdora hanggang dito na lamang.Hindi ko maipapangako na magiging madalas ang aking "Paglalakbay Patungo sa Dako Paroon" pero hihikayatin ko na mapadaan kahit minsan.Hanggang sa muli.Ingat po tayo lage at sumunod sa ating mga frontliners nang sa ganoon ay matapos na itong crisis na ating kinakaharap ngayon.Maraming salamat po at God Bless.☺☺☺
Ang iyong lakwatsera,