Dapat maglaan tayo ng oras upang makapagdasal ng taim-tim sa pamamagitan ng pagrorosaryo
dahil ito ay epektibo para mailigtas ang sanlibutan. Ito ay pinakamabisang paraan para madinig ni ama sa pamamagitan ng kanyang ina na si Birhen Maria.
Ang pagrorosaryo ay tradisyonal na sa katolikong simbahan sa mahabang panahon. At higit na inirerekomenda ito na dasalin ng sangkatauhan dahil ito ay makapangyarihan na dasal.
Dahil sa pagdadasal natin dito ay maiisip natin muli ang mga nangyari kay Jesus bago siya binawian ng buhay. May mga misteryo ito : Joyful, Sorrowful, Luminous at Glorious. Bawat misteryo ay may isang Our father;sampung Hail Mary; isang Glory Be.
Sa pagdadasal natin ay naipagkakaloob natin ang ating sarili sa Panginoon at maging malapit tayo sa kanya. Nagiging matatag ang ating pananampalataya sa kanya bilang isang kristiyano.
At hindi natin makakalimutan ang kanyang pagmamahal sa atin na siya'y nagsakripisyo upang tayo'y iligtas sa ating mga kasalanan.
Nawa'y hindi tayo magsawang magpasalamat sa kanya. Amen.
Maraming salamat ka @steemitdora.
Nagmamahal,
@wittyjov24
Simula na naman ng unang araw ng paglalakbay.
Link sa buong linggong paglalakbay:
https://steemit.com/steemitdora/@steemitdora/paglalakbay-patungo-sa-dako-pa-roon-unang-labas-sa-araw-ng-linggo-e92d7064365e7
Salamat sa iyong paalala sis @wittyjov24. 😀
Inaamin ko sa sarili ko na minsan ko lang magawa ang pagrorosaryo. Subalit araw araw di ako nakakalimot na magdasal at magpasalamat. 😀
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ako din naman sis @steemitdora,
basta huwag lang makalimot magpasalamat sa kanya.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit