Ang pag-ibig.... Ang maling pag-ibig ang minsang nagiging dahilan ng pagkalugmok at pagdurusa ng isang tao ay siya ring malaking rason kung ba't tayo patuloy na lumalaban at sumusugal makamit lang ang tama at nararapat na pag-ibig para sa atin. Ika nga nila, hahamakin ang lahat masunod ka lamang. 😄😄😄
Dear Jennybeans
Matagal tagal na rin ang nakalilipas mula noong nakapagpadala ako ng liham sayo. At heto ulit ako para ibahagi sayo ang nangyari sa akin sa loob ng mga panahong MIA ako hehehe. Alam mo ba Jennybeans 4 na taon na ang nakalilipas mula nang isilang ko ang aming anak ni Xavier na si Wind. Oo, isang malusog na batang lalaki ang aking iniluwal sa mundong ito. Na kahit walang suporta mula sa kanyang ama at kahit na parang minsan ang bigat ng aking nararamdaman na wari'y pasan ko ang daigdig, heto pa rin ako patuloy na lumalaban. Si Wind ang naging inspirasyon ko upang harapin ang mga hamon sa buhay at bumangon mula sa pagkakalugmok. Pero habang tumatagal at nagkaka-isip na ang anak ko ay nagiging matanong na siya. Tinatanong niya kung nasaan na raw ang papa niya...na kung bakit kami lang daw ang magkasama. Ang hirap sagutin ng kanyang mga katanungan kung kaya't ang sinasabi ko na lang sa kanya ay nagtatrabaho into sa malayong lugar. Ayaw ko kasi na masaktan ang bata at magtanim ng sama ng loob sa kanyang ama. Mahal na mahal ko ang anak ko Jennybeans at kahit na medyo salat sa buhay ay masaya pa rin kami. Ngunit nang ako'y nabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho sa abroad ay sinunggaban ko na. Minsan lang kumatok ang oportunidad sa buhay ng tao at ayaw ko itong pakawalan. Masakit at mahirap para sa akin na iwanan ang aking anak pero ito lang ang nakikita kong paraan upang mabigyan siya ng mas magandang kinabukasan. Handa akong tiisin ang lumbay at pangungulila para sa kanya. Matalinong bata naman si Wind kaya alam kong maiintindihan niya rin ang naging desisyon ko.
Sa araw nang aking pag-alis papuntang Cyprus ay inihatid pa ako ni Wind sa paliparan. Alam mo ba na parang dinudurog ang puso ko habang siya'y umiiyak at nagmamaka-awang wag na lang akong umalis. Ang hirap pala pag ganon noh? Akala ko magiging madali lang ang lahat pero hindi pala. Ngunit nilakasan ko ang loob ko at inisip na lang na para sa anak ko to. Natuloy talaga ako sa Cyprus at nagtatrabaho ako bilang sales associate dito. Naging kalaban ko ang lamig ng panahon, pag-iisa at ang pagiging estranghero sa lugar. Marami ang naiinggit sa akin na mga ka-workmates ko kasi madaming nanliligaw sa akin pero dedma lang ako dahil hindi naman boylet ang ipinunta ko rito kundi trabaho. Pinagbutihan ko ang aking pagtatrabaho at sa awa ng Diyos ay nagbunga lahat ng pagsisikap ko. Oo Jennybeans, na promote ako sa trabaho at nalipat sa opisina bilang sales director. Kaya lang nanliliit ako sa sarili ko kasi lahat ng kasama ko sa opisina ay mga degree holder, mga edukado at matatalino eh ako? Di hamak na hayskul graduate lang naman. I decline the promotion kasi nga feeling ko hindi ako nararapat sa posisyon na ibinigay nila sa akin pero hindi pumayag ang CEO ng kompanya dahil malaki raw ang naging papel ko sa success nito kaya kahit ako'y nahihiya ay tinanggap ko na lang. At napag-isipan kong i enroll ang sarili ko sa isang business school.
Nagpaka busy ako sa trabaho at pag-aaral. Wala na atang puwang ang pag-ibig sa buhay ko. Yan ang akala ko. Hanep din kasi itong si Kupido pag pumana tagos sa bones. Ang lupit! Akala ko makakatakas na ako pero hindi eh. Na in love ako sa manliligaw kong French; si Harry. Mabait siya, maalalahanin, faithful at nanggaling sa isang matinong pamilya. Alam niya rin na may anak na ko't OK lang sa kanya yun. Mahal niya raw ako at kasama sa pagmamahal na yun ang mga taong mahalaga sa buhay ko. Ipinakita niya sa akin kung gaano siya ka pursigidong makuha ang matamis kong oo. Siguro inabot din ng 7 months bago ko siya sinagot. At parang mas naging kompleto ang buhay ko nang ibigin ko siya. Naging masaya kami at puno ng pagmamahal para sa isa't-isa.
Pero after 3 years ay nagpaalam siya sa akin na aalis daw muna siya at uuwi sa UK dahil may aasikasuhin daw siya roon. Kinabahan ako Jennybeans at ayaw ko sana siyang payagan. Takot akong baka hindi na siya bumalik at iwan ako gaya ng pag-iwan sa akin no Xavier. Na baka makahanap siya ng iba sa France, yung babaeng higit pa sa akin. Pero nagpumilit siya at sabi niya na dapat ko raw siyang pagkatiwalaan kaya sa huli ay pumayag na rin ako. 2 months lang naman daw eh kaya OK na ako dun para ano ba naman yang 2 months diba? Nung una araw-araw kaming nag-uusap sa Skype at nagkakamustahan pero ilang linggo na ang nakakalipas nang huli niya akong tawagan. Hindi na siya nagpaparamdam sa akin. Alam mo ba Jennybeans na tinanggap ko na lang sa sarili ko na wala talagang lalaking seseryoso at iibigin ako. Kaya kahit mahirap ay pinilit kong ibaon siya sa limot pero ba't ganon ayaw makisama ng puso ko? Hay! Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay gaya ng trabaho, pag-aaral at syempre ng anak ko. Siya nga pala Jennybeans ga-graduate na ako next week at naging Cum Laude pa ako. After graduation ay uuwi na rin ako sa Pinas para asikasuhin ang mga papers na anak ko at para makasama ko na rin siya dito sa Cyprus.
Dumating na rin ang araw ng aking pagtatapos, ang araw kung saan nagbunga lahat ng aking pagsusunog ng kilay at pagpupuyat. Habang ako'y nasa kalagitnaan ng pagbibigay ng talumpati ay biglang kumabog ang dibdib ko ng kay bilis. Pumasok kasi sa arena ang pigura ng 2 taong nagdulot ng malaking impact sa buhay ko. Si Harry na abot tenga ang ngiti dala-dala ang bouquet of flowers at si Wind ang anak kong kay tagal ko ng gustong mayakap at makapiling. Di ko pa man natatapos ang aking speech ay tumakbo na ako papunta sa kinaroroonan nila. Una kong niyakap ang aking anak at sunod ay si Harry. Aaminin ko nagtatampo ako sa kanya dahil nawala na lang siya na parang bula pero ngayon naiintindihan ko na kung bakit. Gusto niya lang pala akong sorpresahin. Ibinulong sa akin ni Wind na masaya raw siya't nakilala niya ang papa niya. At si Harry ang itinutukoy niya. Tinapos muna namin ang graduation ceremony at pagkatapos ay dumiretso kami sa restaurant na pina-reserve ni Harry. Ang thoughtful lang niya Jennybeans at ang swerte swerte ko sa kanya.
Out of the blue ay bigla siyang lumuhod at inaya akong magpakasal. Sa totoo lang hindi ako makapagsalita for like 5 minutes kasi di pa nag si-sink in sa akin lahat ng mga pangyayari pero nang ako'y makabawi ay agad ko naman itong sinagot ng oo. I've never been this sure in my entire life Jennybeans. Masaya na akong bubuo na kami ng pamilya at haharapin ang bukas ng magkakasama. Sobrang bait sa akin ng Diyos dahil ibinigay niya sa akin ang lalaking tunay na magmamahal at magpapahalaga sa akin. God blessed me more than I deserve and saying thank you will never be enough.
Happy ending ang bida natin. Masaya ako para sayo Chloe. Love moves in mysterious ways nga naman. Wag lang matakot mag take risk sa love mga kaibigan dahil darating din yung tao na inilaan para sa atin sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon. Kung sinubok man ang buhay mo at parang ayaw mo ng sumugal sa pag-ibig, naku wag.. Sabi nga nila There's always a rainbow after the storm malay mo yung rainbow sa buhay mo ay dumating na pero hindi mo man lang binigyan ng chance.... Baka sa huli ito ay iyong pagsisisihan...
Char, hindi ako eksperto sa mga ganitong bagay kaya wag niyong seryosohin ang mga payo ko. Hahahaha bunga lamang ito ng kalikutan ng utak ko.
-Philippians 4:13-
Upvoted at resteemed na po please follow me back thanks..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit