Damdaming matagal na siniil ng sundalong nagdududa
Sa wakas nailabas, naibulalas ng malakas
Umaasa na baka sana pwede pa na tayong dalawa
Subalit katagang "mahal kita" sinabi sana ng mas maaga
Mga nagpupuyos na damdamin ng mga pusong nagpatumpik-tumpik
Paalam na lang sa alaala ng di malilimutang halik
HIndi na pwede, Hindi na maaari
Mahal kita , minahal mo din pala
Ngayon ay bulong na lang sa hangin
Ngayon na iba na ang iyong kapiling
Para saan ang 100 tula na naghintay ng tamang panahon
hindi nagtugma ang tadhana at pagkakataon
patak ng ulan at patak ng luha
panghihinayang ,sayang
sa paanan ng bundok nagpaalam sa isa't isa
naghiwalay ng landas bitbit ang salitang "sana"
isang paglilimi-limi sa pelikulang 100 Tula para kay Stella
[source]