Magandang Buhay mga Kababayan!
Dahil aming napapansin na maraming mga likhang Filipino sa Steemit ang hindi nabibigyan ng karampatang eksposyur, kami sa @Steemph.antipolo ay nagkaisa na bigyan sila ng pagkakataong makilala pa sa pamamagitan ng pagtampok sa mga likhang Filipino sa akawnt na ito.
Narito ang mga akdang aming napili para itampok sa araw na ito...
Unang akda na napili mula kay @romeskie
Ang akdang ito Ni @romeskie ay nagmumulat sa atin patungkol sa ilang mga Pamahiin ng matatanda. Ito ay nagsalin-salin na lamang sa ating lahi kaya naman hanggang ngayon ito ay pinaniniwalaan kahit na ang mga ito ay walang lohikal o siyentipiko na paliwanag ukol sa mga ito. Ngunit ang mga Pinoy ay sadyang masunurin kaya naman marami pa rin na mga pamahiin na magpasahanggang ngayon ay talaga namang ating sinusunod kahit na madalas ang isipan natin ay naiiwanan ng mga katanungan kung anp nga ba ang mangyayari sakaling hindi masunod ang mga ito.
Ikalawang akda na napili mula kay @shirleynpenalosa
Totoong napasakit mawalan ng magulang. Kapag nawala ang isa sa iyong magulang tila ang Pamilya ay hindi na magiging kumpleto at masaya. Ito ang akda na bukas na liham Ni @shirleynpenalosa para sa Amang nang-iwan sa kanyang mga anak at asawa. Ninais ng anak dito na siya'y muling magbalik upang mabuo muli ang kanilang Pamilya at maging masaya rin muli ang kaniyang Ina. Ngunit hindi man ito mangyari, isa pa rin siyang tunay na Anak na nagmamahal sa kaniyang Ama na ang tanging nais niya riong iparating ay ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang mga natutunan rito.
Ikatlong akda na napili mula kay @oscargabat
Tama ang tinuran Ni @oscargabat pagdating sa hamon ng buhay. Hindi ka maaaring huminto o tumigil ng ganun na lamang. Sa paglaban sa pangarap ay sadyang napakahirap, ngunit pasasaan ba't ang iyong minimithi sa makalawa ay abot kamay mo na lamang kasama ang ating Diyos na hindi nagsasawang gumabay sa atin sa lahat ng mga hakbang na ating gagawin.
Paano ba maitampok sa @likhang-filipino
Para mapabilang sa mga itatampok na post, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :
- Orihinal na akda lamang ang maaring isulat.
- Mangyaring gamitin lamang po ang tag na #likhang-filipino kahit hindi ito ang unang tag (dahil kami ay nasa estado pa lang ng pagtatanim, kahit anong tag ay pwede muna sa ngayon)
- Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
- Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
- Ang mga posts hanggang sa ika-apat na araw lamang ang aming pwedeng itampok. (Posts must be recent up to 4days old)
- Kapag naitampok na po ang isang awtor, siya ay sasailalim sa isang linggong cooldown period upang mabigyang daan ang iba pang manunulat na maitampok naman sa nasabing akawnt.
- Ang ating mga hunters ay mas magpopokus sa mensahe ng blog kaysa sa wastong gramatika gamit ng akda. Samakatuwid, kahit ang gramatika ay may mali, may pagkakataon pa rin po itong maitampok.
Ano pa ang hinihintay ninyo?! Tara na at magsulat sa wikang Filipino!
✅ @likhang-filipino, I gave you an upvote on your post!
If you are interested in claiming free Byteballs ($10+), just for having a Steem account, please visit this post for instructions: https://steemit.com/steem/@berniesanders/do-you-want-some-free-byteballs
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
maraming salamat po sa pag bigay ng oportunidad na itampok ang aking likha. Isang karangalan po ang mapabilang dito @likhang-filipino. God bless po :-)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Walang anuman kabayan @shirleynpenalosa asahan mong ikaw ay makaka-tanggap ng boto mula sa aming @steemph.antipolo trail at makaka-tanggap ka rin ng porsyento sa post na ito ng awtimatiko pagkalipas ng pitong araw.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
naku maraming salamat po sa inyo @likhang-filipino. God bless po sa inyong lahat :-)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations @likhang-filipino! You have completed the following achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
You got a First Reply
Award for the number of comments
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Do not miss the last post from @steemitboard:
SteemitBoard World Cup Contest - The results, the winners and the prizes
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo
@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit