Maulang araw po sa lahat ng aming taga-subaybay dito sa aming Likhang Filipino sa Steemit! Ilang araw ng maulan ngunit masarap na matulog at kumain ng kumain sa panahon na ito. Isa pa sa nakakaibsan ng pagkainip sa ganitong panahon ay ang pagsusulat habang may hinihigop na mainit na kape. Muli, kami po ay mamimili ng mga natatanging akda na gawa sa Filipino.
Narito po ang aming 3 akdang napili mula sa ika-4 hanggang sa ika-10 ng alas dose ng tanghali ngayong Hunyo.
PAMAGAT: Word Poetry Challenge #6. Tema : “Aking Ina”
LINK: https://steemit.com/wordchallenge/@beyonddisability/word-poetry-challenge-6-tema-aking-ina
May Akda: @beyonddisability
Hindi matatawaran ang pagmamahal ng isang Ina. Ang akdang ito Ni @beyonddisability na kaniyang alay sa ating Mahal na Inang Si Maria na Ina rin Ni Jesus kung saan tinawag niya itong Si “Kuya” sa kaniyang tula. Ipinarating niya rito ang katatagan at tapang ng kalooban Ni Maria. Kung papaanong tahimik na luha na lamang ang kumakawala sa Kaniyang mga mata na puno ng pag-aalala para sa Kaniyang Anak na Si Jesus. Napakasarap basahin, dahil dito maaari tayong magbalik tanaw sa pangyayaring kailanma’y hindi natin malilimutan. Dahil Kay Kuya, nailigtas ang sangkatauhan…
PAMAGAT: Tatlong daan at apatnapu’t dalawang pisong dangal mula sa bangketa
LINK: https://steemit.com/tagalogtrail/@johnpd/tatlong-daan-at-apatnapu-t-dalawang-pisong-dangal-mula-sa-bangketa
May Akda: @johnpd
Ang akda na ginawa Ni @johnpd ay sumasalamin sa mga taong nagtitiis sa kanilang kahirapan, na hanggang sa huli ay lumalaban pa rin. Nakalulungkot lamang ang sinapit ng Ginang sa tagpong ito ng kaniyang kwento, naghahanap buhay ng marangal ngunit hindi nawawala ang mga taong nanlalamang sa kanilang mga kapwa dahilan upang matapos din ang buhay ng Ginang na pilit na kumakayod para sa kaniyang Pamilya. Napakagandang kwento ngunit malungkot na katotohanan para sa ating mga kababayan na dumaranas ng sobra-sobrang kahirapan.
PAMAGAT:Maikling Pagtatalakay Sa Kwento | “Fallback”
LINK: https://steemit.com/life/@julie26/maikling-pagtatalakay-sa-kwento-or-fallback
May Akda: @julie26
Tinatalakay Ni @julie26 dito kung ang pagakakaroon kaya ng “Fallback” ay nakabubuti? Sa kaniyang akda, inilahad niya ang isang Kwento ng Pag-ibig. Sa kwentong ito, sinasabi rito na nararapat lamang daw ang pagkakaron ng fallback o yung Plan B kung pumalpak man ang iyong unang plano. Maganda at wais ang pagkakaroon ng fallback ngunit dahil dito maaari nating hindi mapagtuunan ng pansin ang mga bagay na ating maling nagagawa at hindi natin matutuunan ng pansin ang mga bagay na dapat iisa lang ang kailangang pagtuunan ng pansin tulad sa Kwentong Pag-ibig na kaniyang ibinahagi. Maaari ka magkaroon ng Plan B o fallback hangga’t hindi tayo nakakasakit o nakakaapak ng mga tao lalo na mga mahal natin sa buhay.
Lahat ng napili naming mga akda ay pawang mga kapupulutan ng aral sa buhay. Katatagan, kabutihan at kahusayan na pumili ng nararapat na gawin para sa ating buhay. Hindi natin kailangan magkaroon ng magandang buhay ngunit ang pagkakaroon ng mabuti at busilak na puso ay magiging daan upang tayo ay mabuhay ng tagumpay.
Halina’t samahan ninyo po kami sa pagbuo ng mga akda na gawa sa Filipino upang mas marami ang mahikayat na gumawa rin ng kanilang mga akda na gawa ating sariling wika sa gitna ng banyagang plataporma ng Steemit! Napakahusay lahat ng ating manunulat kaya naman kahit ang ibang mga lahi ay labis na humahanga sa dedikasyon ng mga Pilipino sa kanilang larangan tulad ng pagsusulat. Muli, kami po ay nagpapsalamat sa inyong pagsubaybay! Nawa’y magustuhan ninyo ang aming ibinahagi ngayong araw na ito para sa ating mga manunulat. Mag-ingat po tayong lahat at maraming salamat! Hanggang sa muli!*
Consider casting your witness votes for @precise, @steemgigs, @cloh76.witness and @ausbitbank who have been adding invaluable contribution to the community.
To cast your votes, just go to
maraming salamat sa pag-feature sa aking maikling kwento. at salamat din dahil kahit papaano ay may naibahagi akong aral. 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Galing ng mga manunulat na galing sa @steemph.antipolo
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit