Likhang Filipino sa Steemit Ikawalong Edsiyon

in steemph-antipolo •  7 years ago 

Untitled.jpg

Mapagpalang gabi po sa lahat! Bago ang lahat, nais po naming batiin ng "Maligayang Araw ng mga Ama" sa buong mundo! Sana po ay mas maging matatag at malakas pa po kayo para sa pagmamahal at pagpo-protekta ng inyong mga Pamilya! Mabuhay po kayo!
Ngayon po ay araw ng Linggo at ito rin po ang araw na tayo ay mamimili ng 3 akda na gawa sa Filipino. Narito po ang aming 3 akdang napili mula sa ika-11 hanggang sa ika-17 ng alas dose ng tanghali ngayong Hunyo.

center>

PAMAGAT: Ang Paborito kong Alaala

LINK: https://steemit.com/paboritongalaala/@beyonddisability/ang-paborito-kong-alaala

May Akda: @beyonddisability

Ito ay ala-ala Ni @beyonddisability noong siya ay bata pa. Nandiyan ang mga paborito niyang palabas, pagligo sa ulan ng nakahubad, paglalaro ng baraha ng Pekwa at ang pinaka di niya malilimutan ay ang alalahanin pa rin ang kaniyang Ina noong siya ay nag-aaral pa. Ito ang laging nagpapalakas ng kaniyang loob sa tuwing siya ay hindi nagagalak sa kinalalabasan ng kaniyang mga ginagawa lalo na noong siya ay estudyante pa. Isa talaga sa hindi mawawala ang ala-ala ng mga magulang sa tuwing magbabalik tanaw...

center>

PAMAGAT: Ang Nakatagong Mensahe sa Homily ni Father Rey

LINK:https://steemit.com/hiddenmessage/@johnpd/ang-nakatagong-mensahe-sa-homily-ni-father-rey

May Akda: @johnpd

Ayon sa aming pagbabasa ng akdang ito Ni @johnpd ay may kinalaman sa akda niyang noon ay kaniyang isinulat. Ito ay tungkol kay Father Rey. Bawat buka ng kaniyang bibig na sinasambit ang kaniyang panalangin habang magsasagawa ng eksorsismo ay tila may mga kahulugan o nilalaman ang mga binibitawang salita Ni Father. May nakatago raw ritong mensahe sa Homily" Ni Father Rey... Alam ko na sa bawat linya nito ay nagpapahiwatig at sinasabing "magpakatatag ka"... Ang sarap basahin! Parang mga Bibliya Bersikulo.

center>

PAMAGAT: Ang Paborito kong Alaala | "Naaalala Ko Pa..."

LINK: https://steemit.com/paboritongalaala/@julie26/ang-paborito-kong-alaala-or-naaalala-ko-pa

May Akda: @julie26

Ang akdang ito Ni @julie26 ay tungkol sa kaniyang kabataan. Ibinahagi niya rito ang kaniyang paboritong laruang papel at kanilang mga nilalaro tulad ng Piko at Patintero. Napakasaya nga naman ang larong ito na kaniyang ibinahagi. Nakakalungkot lang sa panahon ngayon na puro teknolohiya na ang nilalaro ng mga kabataan ngayon, hindi katulad noon na ganito ang mga laro. Masaya talagang balikan ang mga panahong tulad nito!

center>

Ito ang aming mga napili para sa araw na ito. Ito ay bahagi ng ating pagkilala sa mga gumagawa ng akda sa Filipino. Malugod naming inaanyayahan ang marami upang gumawa ng kanilang mga akda sa ating sariling wika. Muli, kami po ay nagpapasalamat sa inyong lahat. Hanggang sa susunod na edisyon! Maraming salamat!


If you would like to support initiatives on community building and enrichment, kindly check out @steemph, @steemph.cebu, @steemph.iligan, @steemph.davao, @steemph.manila, @steemph.laguna, @steemph.uae, @steemph.negros,@steemph.antipolo and @steemph.bulacan.
Consider casting your witness votes for @precise, @steemgigs, @cloh76.witness and @ausbitbank who have been adding invaluable contribution to the community.
To cast your votes, just go to

https://steemit.com/~witnesses

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!