Pagpipinta Gamit ang mga salita|Isang Patimpalak

in steemph •  6 years ago 

Magandang gabi, ito na naman ang aking simpleng akda para sa patimpalak na gawa ni @romeskie. Para sa karagdagan detalye at mekaniks, marapat lamang na bisitahin ang blog na ito.romeskie blogpost


IMG_20180906_190057.jpg
Photo by teacher M.I. Falcone

AKING MGA BUTIHING GURO

Para sa akin, wala naman akong naging paborito sa kanilang lahat. Mahilig akong makontento, kaya di masyadong palaban. Okay na sa akin ang makapasa, minsan nakakaakyat din ng entablado pag-may taon na nagsunog ako ng kilay. Sa mga lumipas na pagkakataon na iyon sa pangalawang bahay na minsan ako ay nag-lagi. May mga guro ako na talagang di mawaglit sa aking ala-ala. Kadalasan maganda naman ang mga relasyon ko sa aking naging guro. Kasi nga sumusunod naman ako sa kung ano ang tinuturo at pinapasunod.

Ang paaralan ko ay nasa Bario namin. Napakaswerte namin dahil meron kaming sarili, di gaya ng ibang Bario na kung saan sila ang dumadayo sa amin para lang makapag-aral. Malawak ang oval plaza namin kung saan ginaganap ang mga palaro at kung ano-anong mga aktibidad sa paaralan. Duon ko gusto maghabulan sa tuwing wala na kaming klase sa hapon. Marami kasing alitaptap na lumilipad. Ngunit pag-uwi ko sa bahay ayon si Nanay galit na galit dahil ang saya ko ay puno ng marsirikong dumikit sa tela. Maraming naglalakihang puno sa likod ng paaralan. Sa harap naman ang mga mahalimuyak na mga bulaklak. Sa umaga kailangan kaming magdilig, at maglinis sa buong paligid bago ang klase.

Isang maaliwalas na araw, habang ako ay naglalaro sa plaza ng palaruan kung saan inakyat ko ang mataas na puno. Nahulog ako at nasugatan ang ulo. Ang lakas ng agos ng dugo, di ko pansin sa simula at nakita ito ni Ginang Diona, kaya dinala niya ako sa klinika. Manghang-mangha ako sa ginawa niya, marunong din siyang manggamot ng sugat. Pinutol niya ang buhok sa may bandang sugat, nilinis at pagkatapos nilagyan ng band-aid. Pinauwi niya din ako ng mas maaga kasi puro mantsa ang puti kong uniporme. Naging hero kita Ma’am, salamat.

May guro din akong mahilig mamigay ng tinapay. Tawagin nating siyang Ginang Jonson. Pansin kasi nya na wala akong baon. Napaka-mapagbigay niya, hindi lang sa akin kundi sa aking mga kaklase. Malaki ang tinapay na yon na parang isang pinggan ang laki na pinaghati-hati namin. May sarili silang bakery nuon malapit sa paaralan namin. Pinapunta niya kami duon minsan at nakita ko ganoon pala ginawa ang paborito kong coco pie na sa ngayon di ko na mahanap kasi sila lang gumagawa non sa aming lugar. Ngayon wala na sila, hanggang ala-ala nalang pati ang espesyal na lasa na yon.

May guro ding mahilig magbigay ng eksamen, at gusto pa niya ang sanaysay . Di ko siya naiintidan kaya ayaw ko sa kanya. Mas madali kase pag may-pagpipilian. Yung tipong, bilugan ang tamang sagot. Kaso itong si Ginang Laste yun ang kanyang estilo. Kaya nauubusan ako ng isasagot. Di ko kasi alam nuon na ang kanyang pinagagawa sa amin ay napakahalaga pala. Siguro mahilig lang siyang makinig sa mga tunay na damdamin ng iba kaya ganun siya. Aba Maam, sulit na sulit pala ang estilo mo.

Meron din akong guro na mahilig magpakanta ng gasgas na sa videokehan, si Ginoong Reyes. Temporaryong guro namin siya ng mahigit tatlong buwan. Sakto buwan ng Kalayaan, bawat isa sa amin kailangang may maipresenta. Isang buwan naming pinag-aralan ang chorus namin na Born free at sayaw na Tinikling. Di pwede sa kanya ang salitang,’ AYAW’. Kahit di ka marunong sumayaw, aba di pwedeng hindi. Unang beses kong sumayaw sa entablado suot-suot ang hiniram kong malambot na pink na kimona sa aking Tiya. Masaya naman pala. Ang galing nun Sir, promise.

Sa Mataas na Paraalan iba din ang mga guro, naninibago ako sa estelo ng pagtuturo. Kasi hamak na mas naiintidahan ko kasi nung nasa mababang paaralan pa ako. Yung tipong subo na lahat dati pero dito dapat ka talagang makinig. Kalaunan nasanay na rin. May isang guro dito na mahilig mangulikta ng patay na hayop, na -pinipreserba gamit ang formalin. Aba, maniwala yung iba kong kaklase ahas ang dinala, malaki at buhay pa. Di napakapagtataka na malaki ang grado nila. Siya rin yung allergic sa usok. Minsan yung loko kong kaklase nag sindi ng apoy sa sa madamong likuran ng silid, saktong ang hangin pumasok sa aming bintana kaya klase namin naantala. Walang klase! Nayamot si Maam.

Meron din isang guro na parang nasa ilalim ng kweba ang boses,ang hirap pakinggan. Kaya kunti lang ang pumansin sa leksyon niya. Nagmistulang palengke ang silid namin pag oras na niya. Home economics ang araling yun kaya parati kaming nasa labas nag luluto sa ilalim ng puno ng mangga. Wala kasi kaming kusina, duon kami tinuruan ni Maam gumawa ng guava jelly . Mas okay ang praktikal na leskyon Ma’am. Sigurado lahat interesado.

Yung ibang guro na di ko nabanggit sila yung di ko masyadong nakakasalamuha sa pook paaralan. Tipong nasasalubong mo lang, at naging guro sa ibang aralin. Napaka tipikal na guro at studyante na set-up lang. Ang mga ginamit kong pangalan ng mga guro ay alias lamang. Di ko nalang babanggitin, kase di ko na matandaan yung kumpleto.

Maraming salamat sa aking naging guro. Parte kayo ng aking buhay. Hanggang sa muli!
divider2.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Habang binabasa ko 'to, automatic ding nag-flashback sa utak ko 'yung buhay ko sa elementarya at highschool. Masaya nga namang balikan ang mga panahong iyon kasi lahat tayo, may kanya-kanya sigurong kalokohan habang nag-aaral. Hehehehe

Isa sa mga napansin ko sa sanaysay mong ito ay ang linis ng pagkakasulat. Natutuwa ako kapag malinis at maayos ang ang pagkakasulat ng binabasa ko. Bagama't emosyon at sense talaga ng kwento ang mas matimbang sa akin, dagdag puntos pa rin talaga sa akin ang malinis na sulatin. 'Yong walang masyadong typo errors, maayos na pagbuo ng mga pangungusap, wastong paggamit ng ng mga bantas, pagbabaybay at balarila sa kabuuan. Bagama't may mga napansin pa rin akong hindi tamang paggamit ng mga gitling sa ibang mga salita, hindi naman iyon naging hadlang para mabawasan ang ganda ng iyong sinulat dahil kaunti lang naman ang mga iyon (ala-ala — **alaala, pag-may — kapag may o 'pag may, nag-lagi — naglagi).
At sa pagpipinta naman gamit ang mga salita, kita ko ang paggamit mo ng tayutay, pang-uri at mga pang-abay, kaya natutulungan ako ng mga itong magbuo ng mga larawan sa aking utak kaugnay sa isinulat mong sanaysay.

Maayos ang paglalahad mo nito, subalit inaasahan kong may espesyal kang kwento tungkol sa mga naging guro mo kaya hindi mo sila makalilimutan. Ngunit naikatwiran mo na rin naman sa unang talata na walang kang naging paborito kasi marunong kang makontento at ayos na rin ako roon. :)

Sana'y magsulat ka pa nang magsulat gamit ang sarili nating wika. At iniimbitahan din kitang sumali sa aming discord kung saan nakatambay roon ang mga manunulat ng wikang Tagalog (kung wala ka pa sa tambayan): https://discord.gg/SaCQGKP
Maraming salamat! :)

ow, Gusto ko talaga 'tong ganito, yung may mag review sa sulat ko, para naman sa susunod na magiging akda may basihan. Nasa discord na ako, tambay ako duon pag may oras. Maraming salamat.

Sana sumali ka rin sa TagalogSerye kapag may oras ka, @amayphin. Natutuwa din kasi kami kapag marami ang sumasali sa TS. :)

sarap ng hi skul layp
clap clap @amayphin

salamat BD, pero mas hanip ang karanasan ni lenie sa skul..heheh..

busy lang si leni pero babalik po sya

arang taasa sad, parehas akoa.haha

Posted using Partiko Android

hahah.. 800words man tali na..

aw ambot ang akoa murag taasa man sd.haha

Posted using Partiko Android