Hiwaga sa Likod ng Panaginip (Unang Bahagi)

in steemph •  6 years ago  (edited)

Madilim. Wala akong makita. Maya-maya pa'y may naaninag akong isang maliit na liwanag na tila nanggagaling sa kapirasong kandila. Palapit nang palapit sa akin. Ilang saglit pa ay may mga tinig akong naririnig sa hindi kalayuan. Biglang bumukas ang ilaw at sabay sabay silang bumati ng maligayang kaarawan. Maraming pagkain sa hapag kainan. Ang hitsura nang bahay ay kahawig nang sa amin pero ang bahay na iyon ay may kalumaan na kung ihahambing sa aming tahanan. Lumapit ang lalaking hindi pamilyar sa akin ang mukha. Hawak nya ang cake at ipinaihip ang kandila. Nagpalakpakan ang lahat ng tao na naroon sa mahabang mesa. Isa isa silang yumakap at humalik sa akin na wari ay aking kapamilya ngunit hindi ko sila mamukhaan.

Aileen ang tawag nila sa akin ngunit sa aking pagkakatanda, Lia ang pangalan ko. At ang lalaking nagdala nang cake ay si Rico. Masaya kaming lahat sa simpleng salu-salo na kanilang inihanda para sa aking kaarawan. Bagaman naguguluhan ako sa mga nangyayari, sobrang gaan nang pakiramdam ko na kausap at kasama sila. Napaka maasikaso nila na para bang myembro ako nang kanilang pamilya. Masaya ako nang araw na iyon. Maghapon din kaming magkausap ni Rico na tila ba napakatagal na naming magkakilala.

Nang sumapit na ang gabi, si Rico ay nagpaalam nang umuwi at ako naman ay pumanik sa ikalawang palapag nang tahanang iyon. Nakita ko ang pintuan ng kwarto na kaparehang kapareha nang sa akin. Pumasok ako at nakita ko ang isang larawan na nasa maliit na lamesa. Larawan ito ng isang masayang pamilya at laking gulat ko na ako ay kasama nila sa larawang iyon. Lumingon pa ako sa kabilang bahagi ng silid kung saan nakita kong nakasabit ang aking larawan na may nakaipit na maliit na litrato namin ni Rico na magkasama. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Ngunit dala nang pagod, hindi ko namalayang ako ay nakatulog sa higaan sa silid na iyon.

Umaga na nang ako ay magising, sa tinig nang aking ina na pilit akong pinababangon dahil kami ay mag aalmusal na.

Lia anak bumangon ka na at anong oras na. Tanghali na.

Bumangon ako at dali daling tumungo sa aming lamesa at laking gulat ko sa sorpresang kanilang inihihanda. Maligayang kaarawan Lia!!! Pasensya ka na kung eto lang ang nakayanan namin sa iyong ikalabing walong kaarawan anak. Isa ka nang ganap na dalaga. Doon ko naalala na kaarawan ko nga pala, ikalabing walong kaarawan. Kaya pala halos buong angkan namin ay naroon sa aming bahay. Sobrang saya ko sa ginawa nilang sorpresa. Hindi ko naman hinahangad na magkaroon ng engrandeng debut sa totoo lang, kung ano ang makayanan nila masaya na ako. O kahit pa nga wala, okay lang basta't kasama ko sila.

Sa gitna nang aming kasiyahan, bigla kong naalala yung nangyari sa akin, ano ba 'yon? Isang panaginip? Lahat nang nangyari sa tila isang panaginip na 'yon ay sya ring nangyari noong araw na yon. Ang kaibahan lang sa pangyayaring ito, sigurado ako na pamilya ko ang kasama ko at wala si "Rico" na nag dala sa akin ng cake. Nahihiwagaan man ako sa nangyari, hindi ko na sya gaanong inisip at itinuon na lamang ang atensyon sa pakikipag usap sa aking mga pinsan na matagal ko na ding hindi nakikita.

Birthday-Party.jpg

Image Sorce:ascend.digital

Sumapit ang gabi at ako ay pagod na pagod na. Tumungo na ako sa aking silid upang magpahinga. Ang sumunod na pangyayari ay nagising ako at muling akong napunta sa bahay na pinaluma ang hitsura nang sa amin. Nagimbal ako, ano ito? Bakit ako nandito ulit? Tanong ko sa aking sarili.


Itutuloy...


Paalala:

Ang Kwentong ito ay isang kathang isip lamang at hindi hango sa tunay na pangyayari.

Inspired by: While You Were Sleeping, a Korean Drama starring Lee Jong-Suk and Suzy Bae


Marami pong salamat sa Pagbasa!
Sana'y tutukan nyo pa po ang mga susunod na kaganapan!


Lubos po akong nagpapasalamat kay Mam @romeskie, sya po at ang kanyang kwentong Ito na ang Huliang nagbigay sa akin nang ideya at inspirasyon para sumubok sumulat.


annazsarinacruz~footer.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Nice! HAHHA.. akala ko talaga story mo LOL

Kala mo ako yung nanaginip noh? HAHAHA Di kaya ako makatulog nung nakaraang gabi kaya nabuo yang kwentong yan sa isip ko @ejeeywander. Gisingin sana kita e sarap ng tulog mo HAHAHA

HAHAHA kaya pala.. akala ko talaga ikaw eh LOL

Wow naman! Naintriga ako sa kung ano ang nangyayari sa kanya. Hindi ko pa napapanood ang KDrama na iyan kaya napakainteresante nitong kwento mo para sa akin.

@johnpd @tpkidkai @beyonddisability kaabang-abang ang susunod na kabanata o. Samahan niyo akong maghintay.

@annaszarinacruz Sundan mo agad ha... Hahaha.

Salamat mam @romeskie :)
Panoorin mo yun Mam maganda sya. Highly Recommended!

Meron na akong naiisip mam na kasunod hehe kaso inaayos ko pa po yung mga pangyayari. :)

Kung may mga napapansin po kayong mali or mga scenes na dapat di ko na isinama sa kwento, sabihan nyo po ako mam para po sa mga susunod kong sulat, maiwasan ko po and maimprove pa yung pag sulat ko ☺ Maraming salamat Mam! ♥♥♥

  ·  6 years ago (edited)

Overall, maganda at maayos yung pagkakasulat mo. Tuloy-tuloy ang flow ng kuwento pero tamang-tama lamang ang pacing kaya't hindi nakahihilo basahin.Ito lang yung mga napansin kong pwede mo pang ma-improve:

  • tamang paggamit ng "ng at nang"
  • wastong paggamit ng gitling
  • kailangan mong isaalang-alang ang device na gagamitin mambabasa mo para alignment ng text
    (Kung sa computer titingnan, maganda ang justified alignment, pero kungnmay mambabasa ka na sa cellphone nagbabasa, medyo magugulumihanan sila sa alignment)

Pero gaya nga ng nabanggit ko, mahusay ang pagkakabuo mo ng unang bahagi ng kuwento mo. Kudos sa iyo!

Ay salamat mam! Sa totoo nahirapan talaga ako sa ng at nang. pati sa gitling. Sobrang makaktulong tong mga binigay mong references ♥

Kaya pala mam yung sayo is walang ganong alignment yun pala ang dahilan. Sige po sa susunod hindi ko sya ganong gagamitan ng alignment mam. Salamat po ♥♥♥

ang galing ng team Deja Vu
nakasasabik ang susunod na magaganap

Diba bes? Abangers ako ng kwentong ito. Hehe

Salamat po Sir @beyonddisability

Ang blog pong ito ay napili ng @likhang-filipino dahil sa napakainam na mensaheng hatid nito. Ito po ay aming itatampok sa arawang edisyon ng Likhang Filipino sa Steemit. Kayo po ay makatatanggap ng reward mula sa blog ng @likhang-filipino akawnt bilang benepesyaryo ng pay out. Ipagpatuloy po natin ang paglikha ng mga akda sa wikang Filipino. Maaari rin po ninyong gamitin ang tag na "likhang-filipino" para sa susunod ninyong akda sa sarili nating wika.

Marami pong Salamat


Salamat po :)

itag nyo po ang @likhang-filipino hane
kamiy nasasabik sa susunod na bahagi haha

Opo! Maraming salamat @likhang-filipino. Sobra po akong nagagalak :)