Ikuwento Mo Sa Steemit/hosted by:@romeskie -Nakakahiyang karanasan

in steemph •  6 years ago 
Magandang araw po sa lahat ng aking mga kababayan mga steemyans sa buong mundo! Bilang pagsuporta sa patimpalak na ito ni mam @romeskie ay narito po ang kaing lahok.

Lingid po sa kaalaman ng lahat,ako po ay dating misyonero o tagapaghatid ng Mabuting Balita sa bayan,o mga kabundukan man. Halos mga walong taon akong nagpapahayag ng Salita ng Diyos,ngunit di lahat ay mabuti o maganda ang nararanasan ng inyong lingkod. May nakakatawa at nakakahiya ang aking ikukuwento ko sa inyo at sana ay maibigan nyo ang aking nakakahiyang karanasan.

Nangyari po ito noong nagmisyon ako sa isang lugar na kung saan makikita mo ay mga kabundukan,puno,mga malaberdeng mga damuhan. Dahil malayo itong aming lalakbayin, nagpadala ng kabayo ang koordinator ng gawain sa lugar na aking pupuntahan. Ngunit ako pala yung magrerenda ng kabayo o magpapatakbo, kaya nagpaturo ako sa naghatid kung paano magpatakbo at magpahinto ng kabayo. Sa una okay naman ang aking pagpapalakad at pagpatakbo sa kabayo. At dahil malayo nga ang aming lalakbayin at malayo sa kabihasnan ang lugar na aking pupuntahan,minabuti ko ng bilisan pagpapatakbo ng kabayo,ngunit sa kasamaang palad nung paliko na ako di ko na alam ang gagawin kaya nahulog ako sa kabayo at lagabog na nahulog sa kaputikan..buti na lang wala namang nangyari sa akin sa pagbagsak ko sa putik.

image


Subalit ito ang pinakamasaklap na nangyari,hinabol ko ang kabayo hanggang sa lugar na pupuntahan ko baka kasi mawala ito,at salamat naman sa Dios nakarating ako sa lugar na ako mimisyonin..na labas dila and dila at hingal kabayo ako.😐😉

Kaya nasabi ko sa sarili ko na di na ako sasakay sa kabayo pag pauwi na ako, mas nanaisin ko pa maglakad kaysa sumakay ng kabayo. Pakaumaga,sa kabutihang palad ay may truck na bababa sa bayan para maghatid ng copras kaya ako sumakay,kahit na ang daan doon ay sobrang lalim ng mga lubak.

image

At dito sa truck na ito nangyari ang nakakahiyang karanasan ko,tuwang tuwang ako kasi di ako sasakay sa kabayo at di na rin ako maglalakad,at isa pa maraming magagandang dalaga ako na mga kasabay..hehe..Dahil malubak,ginawa ko ay tumayo ako at sabay sa giwang ng sasakyan dahil malalim ang mga lubak na aming dinaraanan. Tumatawa ako sabay tingin sa mga dalaga,at tawa din sila ng tawa at nakikitawa na din ako. Noong masiraan ang aming sinasakyan truck doon ko napagtanto kaya pala sila nagtatawanan.

image


Noong masira ang truck at pinababa muna kami lahat,doon ko nalaman paghawak ko sa puwet ko ay Warat pala ang slack pants na suot ko! At wala pa naman akong dobleng boxer shorts kundi salawal ko lang. Kaya pala panay tingin ng mga babae sa akin at tumatawa hindi dahil sa lubak,kundi sa maputi kong puwet na kasing kulay ng kawali haha ..😃😄

image


Kaya dali dali akong bumaba at nagtago sa talahib at nagtapis na lang ako ng jacket para matakpan ang warat kong pantalon. Di ko lubos maisip na mangyayari yun ng di ko alam hahaha at hiyang hiya talaga ako hangggang sa makababa ako di ako diretsong makatingin sa mga kasabay ko sa truck at alam ko ako ang kanilang pag uusapan pag wala na ako dun. Hehhe..

image


Iyan po ang aking lahok para sa ikuwento mo sa steemit ni mam @romeskie. Salamat po sa inyong pagbasa.😊

Ang inyo pong lingkod;
@blessedsteemer
🙏


image

image

image

Vote for my witness;@good-karma;@steemgigs;@cloh76.witness;@ausbitbank; and @precise

To cast your vote visit https://steemit.com/~witnesses

image

[Pinagkuhanan ng litrato][1] (https://pixabay.com)2345

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Natatawa ako mahal sa kuwento mo hahaha lol..di ako nakagawa kasi pagod ako kagabi at nakatulog agad ako..hahha tawang tawa talaga ako sa kuwento mo haha..😄

Hahaha oo nga mahal ko..natatawa ako pag naalala ko yung mga karansan ko na yun haha..😄😃

Akala ko yung sa kabayo na yung nakahihiyang pangyayari. May mas malala pa pala.. hahaha. Nakakabilib ang dedikasyon mo sir @blessedsteemer sa pagpapalaganap ng mabuting balita. Kahit na kung anu-ano na ang nangyari, tuloy pa rin. hahaha

Hahaha kung maimagine mo mam yung pagkahulog ko sa kabayo..matatawa ka haha,at yung warat pants ko yung ang pinamasaklap na nangyari sa akin haha..salamat mam sa patimpalak na ito at naalala ko ung nakakatawa na nakakahiya kong karanasan..More power po!😊💪

Hi blessedsteemer,
Welcome to #steemph! Please find below your two footer banners made by @bearone for use in your future posts.

SteemPH Slim Banner
https://gateway.ipfs.io/ipfs/QmNxrgKES9tCnWo4btMwh4rBGTCJ3qh5ydkxLLBWiJcFUz

SteemPH Compact Banner
https://gateway.ipfs.io/ipfs/QmaM9xWSfZYN8WqcEkVksYnRbCkz4bZq6pUqgcvR4vXnrS

Brought to you by @quochuy (steem witness)

Thank you to mommy @bearone! And sir @quochuy! Now im certified steemph member! I was so blessed to be the one of steemph.😊

Posted using Partiko Android