Amnesia - Umaatake sa Ilang OFW, Paghandaan!!!

in steemph •  6 years ago 

Marami sa atin ang nakikipagsapalaran sa iba't ibang bansa ngunit iilan lamang ang pinapalad na magkaroon ng magandang buhay sa pamamagitan nito. Karamihan ay minamaltrato o minamalas sa napupuntahan nilang amo o ang iba naman ay umuuwi ng walang pera. Ano nga ba ang dahilan kaya nagaabroad o nangingibang bansa ang mga tao? Una, para sa pamilya dahil ninanais nila na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang asawa at mga anak. Para sa pamilya nga ba? Eh bakit kapag nasa abroad na, ang ilan sa atin ay automatic nagiging binata o dalaga at nakalilimot na sa pamilya sa kanilang bansang pinanggalingan. Pangalawa, upang matupad ang mga matagal nang pinapangarap hindi lang sa pansarili kundi para na rin sa mga mahal nila sa buhay. Pero bakit ang ilan kapag nakatuntong na sa bansang pupuntahan at makasahod ay kanya kanyang bili ng luho o magagandang bagay at nakalimot na para sa mga goals kung bakit nakipagsapalaran sa ibang bansa.

Ilan lamang yan sa mga tunay na dahilan kung bakit tayo nangingibang bansa. Ngunit masakit man tanggapin pero ang katotohanan ay pag alis mo ng bansang sinilangan, dapat maging handa upang labanan ang sakit na amnesia.

header-Custom-800x415.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

ka @toto-ph
paciritc daw ito para mag improve sa next blog niya

thank you very much po