Ilang buwan nalang,limang taon na ako dito sa Saudi. Hindi ko inakalang aabot ako sa ganito. Laging nasa isip ko nung bagong dating ako, dalawang taon lang sapat na. May kasamahan ako,hindi pa ako pinapanganak nandito na. Natuwa ako kasi feeling young ako.🤗😁 Bilang isang babae, minsan matanong ako, minsan ang kulit ko, minsan nag-oobserba ako, minsan wala nalang akong pakialam.Hahaha mood swings lagi kong nararamdaman sa lugar na ito.
Sa kakaobserba ko, ang dami tuloy tanong sa isipan ko.
Unahin ko doon sa maiging pinagbabawal ang pagsasama ng babae at lalaki. Sa kanila napakalaking kasalanan. Hindi naman natin sila masisisi kasi sa kanilang mga paniniwala. Pero bakit kapag ang mga lalaki nagkikita kita, may shake hands na, may yakap pa, may halik sa noo at may nose to nose pa. Pero kapag babae, shake hands lang. iilan lang ang beso-beso. Sa totoo lang, bawal maglakad ang dalawang babae na naghahawak ng kamay maliban nalang kung mag-ina sila at magkapatid. Lalong lalo na ang bawal ang umakbay at kumandong.
Isusunod ko iyong ang mga lalaki kapag nasa labas, pwede naka walking shorts, skinny jeans(kahit hapit na hapit), nakasando lang or kahit ano nalang pwde nila isuot. Pero kapag ang babae, dapat ung abaya(itim na mahaba) lang. Dagdagan ko iyong sinabi ko na bawal nakashorts sa loob. Dapat din ay hindi maiksi ang abaya iyong dapat halos nakasagad na sa semento. Kapag naglakad nga ako,minsan naaapakan ko nalang. May kasamahan akong nahuli dahil daw maiksi ang abaya. Kaya hayun kinailangan nyang magpabili ng bagong abayang mahaba kundi, maikukulong siya ng ilang araw.
Sa Pilipinas pansin ko,kahit papaano ay magiginoo ang mga pinoy. Madalas sila nagbibigay ng space, sila ang tumatayo kapag may gustong paupuing babae, sila iyong nagpapauna sa babae kapag mahaba ang pila o kaya naman masikip ang daanan. Pansin ko dito, bakit kaya ganon? Sobrang dominante ng mga lalaki, madalas kapag araw ng padalahan mga lalaki nakikipag-unahan sa mga babae. Minsan sila pa iyong mareklamo kapag gusto kang unahin ng teller. Sa waiting area naman, lahat ng lalaki nakaupo na.Mga babae sa sahig nalang o kaya nakatayo nalang. Kapag shopping naman, ang daming bitbit ng mga asawang babae pero ang lalaki cellphone lang. Magtataka pa ba ako? Siguro dahil nga ang mga babae dito ay dapat laging nakasunod sa mga lalaki lang.
Pwedeng mamasyal kahit saan ang mga lalaki. Kahit nga siguro magtour pa sila hanggang outer space ay pwede. Pero ang mga babae, hindi sila makakaalis ng bansa kung hindi kasama ang asawa, tatay, nanay o kapatid.
Napansin ko sa mga ID (identification card) nila, kapag lalaki kitang kita mukha all out smile pa sa 2x2 picture nila..hahaha. Napansin ko sa mga nagiging pasyente kong nakaID, nakatakip ang mukha. Literal lang na mata ang nakalabas. Kapag nalaglag ang Id,dimo na alam na sa kanya iyon.
Nakakapagtaka nga din talaga minsan na bakit kapag lalaki pwede, pero kapag babae hindi. Dahil na siguro sa nakalakhang tradisyon at kultura. Kaya napakaconservative ng mga babae. Pakiramdam ko tuloy parang limitado lang ang karapatan ng mga babae.Nakakahiya namang tanungin kung masaya ba sila?. Aalamin natin yan..
Nakalabas kami ng gabing-gabi kasi may kasama kaming couple. Sa lahat ng pictures ko, halos hayan ang suot ko.🤗😁 Kahit papaano , masaya naman kami dito..
Photo is mine taken with my LG G3 phone..
kasi nga lalake sila, pagadating ng araw, magiging equal na ang rights dito s Saudi pero pag dumating un, wala na ako sa Saudi.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Matagal tagal pa po un ate. Ikaw nga alam ko nasa 7yrs. na dito sa saudi.. For sure nyan, mas marami kang naoobserbahan..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Bute ka pa..pwedeng gabeng-gabe.
Ako non till 9 lang..tatawagin ka pang
alatool bara🤣🤣
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
mafi mushkila naman sabi po ng guard. 😁😀
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit