Isa sa pinakaimportante, pinakamalakas at pinakadelikadong elemento sa mundo. Malaki ang pakinabang. Ngunit sadyang mapamuksa kapag napabayaan. Ang apoy. Madalas akong namamangha sa mga kulay at sayaw na nagagawa nito. Narito ang ilan sa mga kuha ko noon.
Fire dance sa Puerto Galera
Nakalilibang. Nakatatakot.
bonfire sa Anawangin
Bonfire sa Calatagan
Pwede rin itong seremonyal na pagwawakas ng isang relasyon.
Hindi po ako ang nagmu-move on diyan. Tinutulungan ko lamang ang aking kaibigan
Kapag binyagan ay sadyang ito ang gawain ko. Ang kumuha ng larawan ng mga nakasinding kandila.
Ito ang ikasiyam na araw ng Tatlumpong araw ng potograpiya: Isang Hamon
Ang lahat ng larawan ay orohinal na kuha ng may-akda gamit ang Nikon D3100 na may kitlens na mount. Matagal ko nang nakunan ang mga larawan ma ito kaya hindi ko na maaalala ang mga settings na ginawa ko. Ang iba ay maaari ring makita sa aking flickr account.
Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan
Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord