Tatlumpong araw ng potograpiya: Bata

in steemph •  6 years ago  (edited)

Ito ang ikalabinlimang araw ng Tatlumpong araw ng potograpiya: Isang Hamon

IMG_20180808_160857.jpg

Nasubukan mo na bang buong araw na may kasama kang bata, oobserbahan mo lang siya - bukod siyempre sa pag-aarugang kailangan niya. Tingnan mo kug paano siya kumilos o mag-react sa mga bagay bagay. Nakakalibang at nakakagulat ang mga matutuklasan mo.

Iba ang kulit at kuryosidad nila.

![image]()
![image]()
Hindi mo masigurado kung matatawa ka o magagalit. Pero siguradong malilibang ka talaga nang sobra.

May sarili silang perspnalidad na kung hahayaan mo lang ay ipakikita nila sa iyo. Walang pagpapanggap. Walang paglalayon na ma-impress ka. Puro at inosente. Maraming bagay na hindi nila alam at ikaw ang maggagabay at magtuturo sa kanila.

image

Kailangan mo nga lang ng maraming tiyaga at pasensiya.

image

Kung hahayaan mo sila, maaari rin na may matutunan ka sa kanila.

image

Pero isa lang ang masasabi ko. Nakaka-miss maging bata ulit. Yung wala kang iniisip na mga due date. Wala kang iniintinding targets. Kaya tayong mga nakatatanda ay dapat hayaan ang mga bata na maging bata hangga't pwede pa. Mami-miss din kasi nila iyon kapag tumanda na sila.


Maraming salamat sa pagbabasa!


Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan


Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord


image

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!