Tatlumpong araw ng potograpiya: Selfie

in steemph •  6 years ago  (edited)

image

Simula nang mauso ang cellphone na may camera, naging parte na ng buhay ng tao, lalo na ng mga kabataan ang selfie. Mas nag-igting ang kahiligan ng mga tao, pati na ng mga katandaan, kababaihan man o kalalakihan sa pagkuha ng iba't ibang selfie moments nang magkaroon ng tinatawag nating social media. At habang tumatagal ay paiba nang paiba ang mga istilo ng pagkuha ng selfie. Hindi ko man mailahad lahat, hayaan niyong ipakita ko ang mga istilo ng selfie na naobserbahan ko.

  1. Ang pa-cute na selfie
    image
    Simple lamang ang layunin ng istilo ng selfie na ito: ang magpa-cute. Siyempre, kukuha ka ng maraming anggulo, ilalabas ang dimples kung mayroon, pwede ring pasingkitin ang mga mata o pabilugin itong lalo. May iba na paninipisin ang mga labi kung masyadong makapal. Para mas epektibo, mag-imagine ng anime at gayahin ang pinakagusto mong pose nito. Pwede rin magsingit ng peace sign kung wala namang hawak ang isa mong kamay.

  2. Wacky o makulit na pose
    image
    Kung nahihirapan kang magpa-cute, wag kang mag-alala, ang wacky pose ang istilong para sa iyo. Kug nagsubok ka ng pa-cute pose, sobrahan mo lang ang pagsingkit ng mga mata mo. Pwede mo ring ilabas ang dila nang bahagya. Lukutin ang ilong na parang may naamoy na masangsang. O di kaya ay magkunwaring napuwing ang isang mata. At ayan! May wacky pose ka na!

  3. Malagansang mga labi
    image
    Naging napakasikat ng istilong ito lalo na sa mga kababaihan. Isa ito sa pinakamadaling gawin. Kadalasang ginagawa ito nang may lipstick sa labi. Ang gusto mong ma-achieve ay ang natural na mala-Angelina Jolie lips. Pero siyempre, masadaling gayahin ang pato. Kaya ayan ang qting duck lips.

  4. Nakaw na kuha
    image
    Hindi ko kuha kung bakit may mga nakita akong selfie dati na stolen shot ang istilo. Kailangan hindi ka nakatingin sa camera. Pwedeng nakangiti, pwede ring hindi. Ang mahalaga ay mukhang hindi mo planado ang pagkakakuha ng iyong larawan. Pwede ring nakatingin sa itaas para sa look up effect.

  5. Emo
    image
    Marahil ay ito ang gustong gawin ng pa-stolen shot na istilo. Kailangan hindi ka nakangiti para kuhang kuha ang kalungkutan. Pwede rin namang nakatingin sa camera pero dapat ay nakatabing ang bangs sa isang mata. Pwede ring may kamay sa isang pisngi pero ang importante ay hindi ka ngingiti.

  6. Tyra Banks effect
    image
    Si Tyra Banks ang nakitaan ko ng pose na mata lamang ang nangungusap kapag nagpo-portrait photography. Fierce ang datingan ng ganoong klaseng selfie. Isa iyan sa madalas kong subukan noong panahon ng kasagsagan ng pagse-selfie ko. Hehe.

Marami pang ibang istilo ng selfie na maaari mong gawin. Naumay na lang ako sa mukha ko kaya hindi ko na dinagdagan pa. Ang sabi nila ay may sikolohikal na eksplanasyon kung bakit may mga taong mahilig kumuha ng larawan ng sarili nila. Ang masasabi ko lang ay may dagdag na kumpiyansa sa sarili kapag natuwa ka sa kuha mo ng mukha mo. Huwag mo lamang sosobrahan dahil baka naman ikaw ay maging banidoso na masyado.


May nakahuli sa akin na nagse-selfie habang may hawak na papel kaya kumuha rin siya ng hahawakan niya at nakisali rin sa selfie
image


Ito ang ikawalong araw ng Tatlumpong araw ng potograpiya: Isang Hamon


Maraming salamat sa pagbabasa!


Pagyamanin ang kakayanan sa pagsusulat ng tagalog na akda. Sundan si @tagalogtrail at makigulo sa Tambayan


Sundan din ang @steemph.manila at tayo ay magkulitan sa Discord


2123526103.gif

QmTbmcA6YxRqpDvTuGs3Vt3CDkjvdJoNZwB4CxeGZEZeEA.jpeg

romeskie.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

9lk2puivgm.png

Hahaha. Naumay ka ba sir @michaelcabiles? Sorry na.. tema lang talaga ng challenge for the day eh. Hahaha

Teka tanggalin ko ung word na "Sarap!". Hahhahahaha sorry sorry! Hahaahhaa

Wahahaha. Ok lang po. :-)