Lupang Hinirang
Bayang magiliw, perlas ng silanganan.
Alab ng puso, sa dibdib mo'y buhay.
Lupang hinirang, duyan ka ng magiting.
Sa manlulupig 'di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok, sa simoy at sa langit mong bughaw.
May dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning.
Ang bituin at araw niya kailan pa ma'y 'di magdidilim.
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo.
Aming ligaya na 'pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa 'yo.
Isinulat ko ang Lupang Hinirang ayon sa aking pagkakamemorya. Hindi ako gumamit ng anumang research o babasahin para maitama o kumpirmahin ang aking naisulat. Natutunan kong maisaulo ang awit na ito noong ako ay nasa unang baitang ng elementarya. Hanggang ngayon ay hindi ko malilimutan ang liriko at ang himig nito.
Kontrobersyal sa ngayon ang usapin na papalitan ang huling linya ng ating pambansang awit. Nagkaroon ng mungkahi ang isang senador na baguhin ito at palitan ng linyang "Ang ipaglaban kalayaan mo". Mas sumisimbulo daw ito sa nasyonalismo at pagiging makabayan nating mga Filipino.
Isang tanyag na mang-aawit at kompositor naman ay nagmungkahi rin na gamitin ang linyang "Ang magmahal nang dahil sa 'yo". Lubos na pagmamahal daw sa ating bayan ang kailangan. Dagdag pa ng nasabing mang-aawit, mas tama daw ang pagbigkas niya at ang mabagal na pagkanta nito.
Ikaw, dakilang Filipinong mambabasa... ano ang iyong mungkahi? Mula sa panulat ni Julian Felipe at nilapatan ng tono ni Jose Palma, papayagan mo ba na magkaroon ng pagbabago sa ating pambansang awit? O wala ka talagang pakialam kung may mabago dahil hindi mo din naman kinakanta at isinasabuhay ang nilalaman ng nasabing awit?
Chill! Hindi po ikaw ang pinapatamaan ko. 'Yung nagbabasa lang po. Nyahaha!
Simulan na natin ang curation. 😊
"Tunay na Kaligayahan"| Filipino poetry
Sa napakaraming bagay na bumabagabag sa atin at sa mga tanong na gumugulo sa ating isipan, nasaan ba talaga ang tunay na kaligayahan? Nahanap na ni @blessedsteemer ang tunay na kaligayahan na matagal na niyang nais makamtan. Sinasabi sa banal na kasulatan na ang kaligayahan ay sa Diyos lamang natin masusumpungan. Tunay nga na mapapanatag ang iyong kalooban kapag idinalangin mo lahat ng iyong suliranin sa Panginoon.
Sa mga taong hilig magsulat, ang dumanas ng kabigoan ay tila isang biyaya — at sumpa.
Dito pa lang sa unang linya na binitawan ni @itisokaye ay mapapatanong ka na kaagad kung bakit ang tinutukoy niya na kabiguan ay isang biyaya at sumpa. At kung bakit niya nasabi ito? Maraming bagay na pilit magpapalito sa iyong damdamin dahil minsan sa buhay natin ay nakaranas tayo ng kabiguan. Biyaya ba ito na maituturing dahil pinalakas at pinatibay ang iyong karakter? O isang sumpa na gusto mong makalimutan dahil labis na sakit at pagdurusa ang pinapaalala nito sa iyo?
Isang napakagandang inspirasyon at motivation ang iniwan sa atin ni @romeskie nang kanyang isulat ang nasabing akda. Masasabi ko na napakadami na niyang napagdaan sa buhay at problemang nalampasan kaya parang nagiging madali na lang sa kanya ang magbigay ng pangaral sa nakararami. Lagi mong tatandaan na hindi ka nag-iisa-- may karamay ka at kakampi. Pwede kang magpahinga pero hindi ka pwedeng sumuko na lang. Laban lang!
Para mapabilang sa curation, narito ang ilan sa mga alituntunin na kailangang sundin :
- Orihinal na akda lamang ang maaring isulat. Marunong ako mag-search kung kinopya mo lamang ang iyong gawa.
- Mangyaring gamitin lamang po ang tag na Steemph kahit hindi ito ang unang tag.
- Para sa maikling kwento, kailangang lumampas sa 300 na mga salita. Para sa tula, ang lampas tatlong saknong sa apatang linya (3stanzas of 4lines) ang mabibilang. Para sa sanaysay, tatlong talata naman pataas.
- Orihinal na larawan ang dapat gamitin. Kung hindi naman, idetalye nang malinaw ang pinagkuhanan ng larawan.
- Ang mga posts hanggang sa ika-apat na araw lamang ang aking pwedeng i-feature. (Posts must be recent up to 3days old)
Antabayanan ang iba pang pagtatampok :
DAY | TOPIC | WRITER/CURATOR |
---|---|---|
Sunday | Travel | @rye05 |
Monday | Short Stories & Poetry | @johnpd |
Tuesday | Community Competitions | @romeskie |
Wednesday | Finance | @webcoop |
Thursday | Community Outreach | @escuetapamela |
Friday | Food | @iyanpol12 |
Saturday | TBA | TBA |
Upvoted.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat sa pag featured nyu ng aking munting tula! Mabuhay po tayong lahat!😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat sa feature @steemph
Late ko na narealize na mali ang spelling ng "kabiguan" na nagamit ko. 😅 Kailangan ko pa ata palawakin pa ang aking kaalaman sa sariling pambansang wika. 😅
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang masasabi ko lang, ndi kailangan palitan. Dami-daming pwede gawin yun pa pagtutuunan ng pansin? Bakit hindi yung maayos n entertainment industry yung gawan ng paraan kesa pakialaman p Lupang Hinirang. Sus. ✌️
Posted using Partiko Android
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit