GUSTO KO AT AYAW KO.

in steemph •  7 years ago 

gtyngl864f.jpg

Pixabay

Ano ano nga ba ang mga gusto natin at saka mga ayaw natin? Pagdating sa ugali hanggang sa mga kung ano ano. Ako simple lang ang gusto kong ugali sa isang tao. Iyong tipong tapat sa'yo at kailanman hindi magta-taksil sa'yo. Ang ayaw ko naman siyempre iyong kabaliktaran niyan. Mapa babae man o lalaki na kaibigan. Ganoon din sa pag-ibig siyempre wala naman may gusto na iwan sila hindi ba? Sa mga mayayabang, sa tingin ko normal lang iyon, kung may maipagmamayabang naman hindi ba? Kung wala namang ipagyayabang tumahimik na lang, para walang gulo. Tapos pikon pa, patay na talaga.

Ewan ko ba bakit naiinis ako sa mga lalaking naka hapit na hapit na pantalon tapos kulay pink na damit ang suot. Asar na asar akong tingnan talaga. Higit sa lahat may lipstick pa. Isa lang ibig sabihin niyan kung hindi ka binabae may pagka binababae. Walang masama sa pagiging binabae ok? Kaya lang dapat lang aminin mo. Huwag kang matakot. Sa paningin nila magandang tingnan. Halos hiindi nga kasiya sa paa mo, sa pag-susuot pa lang hirap na hirap na. Lalu pa sa pag-aalis mas mahirap. Maiintindihana ko naman kung ang dahilan nila wala na silang maisuot. Pero kung marami ka namang isusuot tapos ganiyan pa rin ay iba na iyan. Tapos may kolorete pa no? Alam na alam na.

Ngayon pala ngaing 50% taong bahay na rin ako tapos 50% taong labas. Mahilig naman na talaga akong mag-sulat noong araw pa. Nahinto lang ako kaya sobrang kinakalawang na ako. Hindi ko nga alam ang diperensiya sa RIN at DIN, inulit ko lang ulit pag-aralan. Nakatutok kasi ako sa wikang Ingles kaya ganon. Kahit ano naman sinusulat ko mapa tula, kathang-isip o maging kuwento ng buhay ko. Minsan lang naman haha. Mahilig din ako manood ng mga pelikula, anime, makinig ng musika at manood ng sports. Maliban lang sa Soccer at Volley Ball boys hindi ko talaga kayang panoorin kahit paanong gawain nila sa'kin. Mga bagay naman na gusto ko sa labas ng bahay. Siyempre mag-laro din ng sports gaya ng: Basketball unang una. Kung may Hockey, Baseball, at Football staduim dito mag-lalaro talaga ako. Bakit naman hindi? Nag-lalaro din ako ng Bilyar, Tennis at minsan Badminton din. Siyempre inuman makakalimutan ko ba iyon? Tungo sa mga clubs ganiyan ganiyan. O hindi ang sarap isipin kung may sariling sasakiyan. Masarap din maligo sa dagat kahit hindi ako marunong lumangoy.

Kape ang mas gusto ko kaysa sa tsaa. Sa katunayan nakaiinom ako limang kape sagad. Normal na araw lang iyong matindi ang init mga tatlong kape lang. Kahit ano wala akong pinipili. Importante sobrang mainit lang ang tubig. Hindi naman kasi ako umiinom ng soft-drinks,gatas o Milo. Kahit nga juice hindi e. Basta kape lang at alak haha, Ayaw ko hard gusto ko beer lang. Hindi na baling lumaki tiyan basta masarap lagi.

Ako hindi ako mahilig sa mga isda e. Ganito siguro talaga kapag sa bukid nakatira. Gulay at saka manok madalas kong ulam. Tuyo lang siguro ang madalas kong ulamin kasi madalas walang pera haha. Biro lang siyempre iyong lang ang madaling lutuin. Prito prito lang iyon. Masarap gintaan: Langka, Kalabasa at Talong. Laing masarap din, kaso depende sa nag-luluto minsan kasi parang suka ng pusa ang Laing kaya iyon. Bikol Express masarap din maanghang kasi. Sumasarap kasi ang luto kapag maanghang. Masarap din may sabaw kapag malamig ang panahon. Mapapa hmmmm ka na lang talaga. Ayan huh? May alam na kayo tungkol sa'kin. Hanggang dito na lang ako. Ang lupit kasi ng istorya na ginawa ni Jampol. Umpisa pa lang sigurado mag-iinit na kayo.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ako nag-init nang bahagya ang ulo sa nakita eh.. wahahaha..

Pareho pala tayong malakas magkape. Ako gusto ko yung kape na black lang. Ayoko ng 3in1. Di ko gusto yung may creamer kasi. Pag nasa opisina, nakakaapat na mug ako ng kape. Sa bahay, bawat kain ko may kape rin.

Mahilig ako maglakwatsa. Hindi ako taong bahay. Kaya ngayong Hulyo, panigurado maninibago ako pero ayos lang. Kasama ko naman ang Aya ko.

Nakisali lang ako sa gusto at ayaw mo. Haha. Gusto ko kasi yung lagi akong kasali. At siyempre gusto ko rin na maraming friends kaya nakikisali talaga ako. Wahehehehe.

Haha na blangko utak ko kanina kay Jampol diyos ko po! Naging berde isip ko kanina kaya naman maikli lang naisulat ko. Kapag walang trabaho payat sa'kin 3 na kape lang. Kaya siguro ang epekto magugulatin ako. Muntik ko na sapakin katrabaho ko dahil ginulat ako haha. Magugulatin ka rin ba? O sige isulat mo na rin mga gusto mo at saka yaw mo.

  ·  7 years ago (edited)

Oo sobrang magugulatin talaga ako. Namura ko yung kaopisina ko nung ginulat ako. Meron naman napaiyak ako dahil sa sobrang gulat. Pero nung buntis ako nananapak talaga ako ng nanggugulat sa kin sadya man nila o hindi.. hahaha.. sige.. magsusulat din ako ng gusto at ayaw ko.

Haha parehas pala tayo normal na sa'kin iyong magmura kapag nagugulat. Mabuti na lang mga kakilala ko na kaya mura lang inaabot nila kung hindi naku ewan ko lang mahirap magsalita sa internet haha. Baka ibang sigaw yan noong buntis ka nyahahaha

Haha. Iniiwasan ko na ngang magmura. Di magandang halimbawa lalo na sa mga nakababata.. hahaha.. luku ka! Nananapak talaga ako noong buntis ako dahil masamang ginugulat ang buntis noh! Hahaha

  ·  7 years ago (edited)

ang ayaw ko sa lahat ay ung nagsusulat ng mga green. nyahaha! (so ayoko pala sa sarili ko?) pero pinakagusto ko sa lahat? hmmm... tinatanong pa ba un? bilog, maputi, may papel sa ilalim. minsan mahilig mambola-bola, madalas paasa-do. 😂

P.S. see comments below to learn new Hokage Jutsu

Sa madaling salita Min-Min nyahahaha.

  ·  7 years ago (edited)

Ayoko s mayabang..Pero gusto s lalaki ang laging nakaputing damit... ahahaha nakisali lang...imissyou 2k...😃😃😃

Miss you too xx. Balik ka na agad kasi beshy haha.

  ·  7 years ago (edited)

...ahahaha hndi nman ako umalis...nag oo.l prin ako discord.. pero nag ccheck lng if my nkaalala..ahahaha

nandito lang ako nag hihintay,.lagi mong tatandaan🎤🎤🎤🎤

Ahemmmm.

Aba may ubo ka? Gagaling din iyan huwag ka mag-alala. Hey! Bff ko iyan haha at saka hindi puwede kasal iyan parehas kayo sitwasyon sa pagkaintindi ko.

Hahaha. Wala ako sabit uy 😅

Coffee is life! Haha! Apir tau jan 2k! Dami q na naman natutunan sau hahahaha. Iba ang wisdom eh 😄

Naku thank you Minmin. Alam ko cheret mo lang iyan nyahahaha. Mas marami akong natutunan sa'yo maniwala ka man o sa hindi xx.

Di yan cheret. Totoo yan ☺