LOVE LOVE LOVE LOVE.

in steemph •  6 years ago 

jixtgsn7qb.png
Pixabay


Bulag at pipi ang pag-ibig kasabihan nang mga matatanda. Walang imposible kapag nagmahal ka, lahat ay hahamakin. Pag-ibig na sing tatag ng adobe at sing lakas nang pukpok ng maso. Ewan ko lang kung mapaghiwalay pa kayo niyan hehe. Nga lang kapag nagkahiwalay na, ang sakit na mararamdaman ay sampung doble kung ikukumpara sa kaligayahang nadarama habang kayo pa.

Ang pag-ibig talaga ay parang lumiliyab na kahit anong bagay, na kapag napaso ka'y ika'y masasaktan. Hindi kasi maiwasan na maglaro sa apoy ang mga tao sa ating kapaligiran.

Anila idarang mo raw sa init hindi rin lalamig. Ganiyan ang tunay na pag-ibig. Hindi lang iyon ito ay maihahambing din sa paglubog ng araw. Umaapoy sa pagmamahal na tila gusto mo nang mag-Chacha sa gitna ng isang paraiso na punong-puno ng mag-nobyo't nobya.

Hirap at sirap ang nararamdaman kapag ang isang tao ay umibig. Andyan iyong isakripisyo niya ang lahat-lahat para sa minamahal niya. Ito naman si hitad bali wala lang sa kaniya ang lahat. Akala mo naglalaro lang ng basketball. Kung laro lang naman ang gusto bakit hindi na lang magsuot ng P.E uniform o kaya naman ay jersey? quotes from @iamqueenlevita

Ang sarap naman ay para bang ulap ang nilalakaran mo, dahil araw-araw sa ginawa ng diyos ay palaging masasayang bagay ang inyong ginagawa. Kaligayahang hinding-hindi matutumbasan ng kahit na ano. Puso na nag-uumapaw sa pagmamahal, dapat sing sagrado at banal na kagaya ng pagmamahal ni Hesus sa mga tao. Iyong tipong mahalin mo nang lubos pero walang kapalit. Kasi kapag nanghingi ka kapalit ay hindi na pag-ibig iyon. Iba talaga iyong mahal mo siya at mahal ka rin niya.

Ang iba kasi ginagamit ang sex para makakuha ng pag-ibig. Ang iba naman ginagamit ang pera makakuha ng pag-ibig. Mga huwad na pag-ibig parang isang mansanas na bulok. Dapat sa kanila ilublob sa kumukulong tubig! Nang sa gayon magtanda haha.



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Sino ba ang nang-api sa iyo lodi 2k at paliguan natin ng kumukulong mantika.

Yung mga linyahan ang lakas maka kanta ramdam ko na malapit na ang Linggo! Buti ako tanging kay Nene lamang nainog ang aking daigdig at kung ako man ay harangan ng sibat at tabak ito'y aking sasalagin mapanatili lamang ang puso niya sa akin.

Unang-una sa lahat maligayang pagbabalik. Sila iyong mga taong ang alam lang ay maglaro ng pakiramdam haha. Oo, mga linyang ganiyan ay narinig ko lang haha tapos sinesegwayan ko lang para masanay muna ako sa mga maraming tayutay. Praktis-praktis lang muna hehe.

Swerte mo kay Nene dahil wagas ang pag-ibig na nararamdaman niya sa inyo at congrats it's a baby girl!