NON FICTION: IF ONLY I COULD TURN BACK TIME.

in steemph •  6 years ago 

vq330zz9v0.png

Larawan.



Maraming panahon ang sinayang natin ayo sa mga kapit-bahay nating tsismosa/tsismoso. Ang katunayan ay wala naman tayong pinagsisisihan sa mga ginawa natin noong araw. Kesyo ganiyan kesyo ganito. Hindi naman porke hindi tayo nakapagtapos ng ating pag-aaral ay sinayang na natin ang mga pagkakataon na ibinigay sa atin at saka ang pinaka-importante sa lahat ay ang marami akong natutunan sa loob ng paaralan. Tapos nga anak niyo ng pag-aaral wala naman natutunan. O ngayon sa tingin niyo sino sa amin ang sinayang ang pagkakataon? Sila na nakatapos sa pag-aaral o kami na hindi nakapagtapos sa pag-aaral subalit maraming natutunan sa loob ng paaralan? Hindi naman kami mayabang sinabi lang naman namin ang katotohanan. Tapos nga sila sa pag-aaral wala namang natutunan, sayang lang ang ibinayad sa iskuwelahan. Hindi naman namin niloko ang mga magulang namin, sinabi naman namin na ayaw na namin mag-aral. Oo wala kaming diploma na katunayan na kami ay nakatapos. Kayo mayroon. Ang tanong naging masaya ba kayo sa buhay niyo? Kami kung tatanungin niyo, walang isang segundo na hindi kami naging masaya. Segu-segundo, minu-minuto, oras-oras at araw-araw kami naging masaya. Hindi kayang bayaran ng pera o diploma ang kasiyang dulot ng pagkakaibigan. Sabihin natin na may diploma ako ngayon. Siyempre hindi kami magkakikilanlan. Minsan totoo iyong kasabihan na "hindi mabibili ng pera ay kasiyahan". Wala ako pinagsisisihan sa mga ginawa ko noong araw. Ako kahit kailan hindi sila hinusgahan kasi naniniwala ako na diyos lang ang puwedeng humusga sa kanila.

Siguro kung maibabalik ko lang ang nakaraan ang masasabi ko lang sana hindi ko siya nakilala. Ang tinutukoy ko ay iyong mga babaeng hindi naman karapat-dapat para sa akin. Sana hindi na lang sila nag-aral sa F.E.U para hindi ko sila nakilala. Wala naman kasi silang naidulot na maganda sa buhay ko. Nasira lang ang hitsura ko haha. Araw-araw sa ginawa ng diyos dumami ang mga eye-bags ko at tigyawat. Nawala na rin kumpyansa ko sa sarili. Lahat lahat nawala. Ang natira lang sa akin ay ang mataba kong utak haha. Totoo mga masasayang alaala lang ang gusto kong balikan lahat naman tayo masaya lang ang gustong balikan hindi ba? Huwag na tayong magpakaipokrito. Aminin na haha.

Sa rami nang napasukan kong trabaho wala akong naging problema. Lahat sila pinakisamahan ko. Kaya naman malawak at malaki ang "circle of friends ko" dahil sa pakikisama ko. Naniniwala kasi ako na kapag nasira na ang tiwala hindi na kailanman maibabalik pa. Kahit na sobrang mahal mo ang isang tao kapag nasira ang tiwala hindi na kailanman maibabalik.

Sa kadahilanan na wala naman ako halos ginagawa kung hindi maglasing lang, sana kung mabibigyan ako ng pagkakataon gusto ko matutong lumanggoy, sayang lang kasi hindi ko ipinagpatuloy noon ang pag-aaral ko bata pa kasi ako noon takot na takot ako sa tubig. Ngayon pinagsisisihan ko na kung bakit ko hindi pinagpatuloy. Ang hirap naman kasi sobrang hina ng loob ko, kung ngayon sana nangyari iyon 'di sana marunong na ako at saka malakas na ang loob ko ngayon. Wala ng imposible sa akin kung ngayon ko pag-aaralan mga bagay na gusto ko. Sa patugtug naman ng Piano halos nakalimutan ko na ang natatandaan ko na lang 1 1 2 1 4 3 maligayang bati lang haha. Hindi ko talaga hilig ang tumugtug ng Piano o kahit anong instrumento.

Ang masasabi ko lang sa mga tao na gusto magsisi, tanungin niyo muna ang mga sarili niyo. Ang mga bagay na masasaya ay hindi dapat pinagsisisihan. Bagama't hindi naging maganda ang resulta sa buhay natin dapat tayong magpasalamat dahil kahit papaano ay naranasan natin maging masaya kahit na sa maiksing panahon lang. Nasira man ang mga pangarap niyo hindi dahilan iyon para hindi na magpatuloy sa buhay. Bagkus ay dapat niyong pag-igihin ang mga pagsubok na darating sa mga kani-kaniyang mga buhay niyo. Walang sisihan, walang dapat pagsisihan. Tapos na ang lahat at hindi na maibabalik pa ang nakaraan. Gustuhin man nating ibalik ay hindi natin kayang gawain. Hindi man natin maibalik ang nakaraan marami pa rin naman ang mga taong nandiyan para lang sa atin, kaya ako masayang masaya ako kahit ganito lang ang buhay ko. Wala akong problema, sakto lang sa lahat. Kung may hihilingin man ako, ang hihilingin ko ay hindi para sa akin kung hindi ay para sa mga taong mahal ko sa buhay. Sa ganoong paraan kasi mas magiging masaya ako kung liligaya sila.

Dito na nagtatapos ang maiksing kuwento ng aking nakaraan. Hanggang sa muli paalam.


2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

@twotripleow Good word, Keep it up. Upvote the comment if you agree .

yung blog na ito nagsasabi na hindi na dapat pagsisihan pa ang nakaraan
lahat tyo may what if pero tama mas magpokus tyo sa ngayon :) :) :)

ang totoo ng post eh hahhaha

Maraming-maraming salamat. Lagi na ako maglalagay #likhang-filipino para masundan ng mga followers kung mayroong gagaya hehe.

Ang blog pong ito ay napili ng @likhang-filipino dahil sa napakainam na mensaheng hatid nito. Ito po ay aming itatampok sa arawang edisyon ng Likhang Filipino sa Steemit. Kayo po ay makatatanggap ng reward mula sa blog ng @likhang-filipino akawnt bilang benepesyaryo ng pay out. Ipagpatuloy po natin ang paglikha ng mga akda sa wikang Filipino. Maaari rin po ninyong gamitin ang tag na "likhang-filipino" para sa susunod ninyong akda sa sarili nating wika.

Marami pong Salamat